Sunday, September 29, 2019

ANG SIMULA AT ANG WAKAS AY NAKATAKDA NA

Image may contain: text
Ang Dios ang simula at ang wakas
Siya ang nagpapagalaw sa kasaysayan mula pa sa pasimula...
Siya ang nagtanim ng mabubuting binhi..
Siya rin ang puputol sa tumaas na punong itinanim...
Ipinasulat na Niya dati pa kung ano ang gawa ng mga nasa kadiliman
Ipinasulat din niya kung ano ang gawa ng nasa kaliwanagan..
Pinipili nalang natin ang tatahaking daan...
Doon ka ba tatahak sa daan ng kadiliman?
O sa daan kung saan ay alam ang dakong pupuntahan?
Ang nasa kaliwanagan ay itinakdang uusigin...
Ang mga nasa kadilimang nang-uusig ay kapahamakan naman ang sasapitin..
Nakahanda na ang parusa sa mga nasa kadiliman...
Nakahanda narin ang gantimpala sa mga nasa kaliwanagan...
Naglalakbay lamang tayo sa buhay na ito...
Ang nanaisin mo ba ay ang gawa ng kadiliman?
O sa mabubuti na ang pangako ay buhay na walang hanggan?
.

Thursday, September 26, 2019

Ang paghahari ng katotohanang sinalita ng Panginoon, malapit na!


Gaano man kadilim ang gabi... sasapit at sasapit ang tanglaw sa umaga. 

Nagpapakasasa man ang iba sa paggawa ng kasamaan ay darating at darating din ang kanilang pagkahayag. 


Malapit na ang takdang araw, hindi man natin alam ang eksaktong oras subalit magaganap at magaganap ang ating inaasahan.


Lumalakad na ang panahon at heto na ang takdang mga araw. Ang matinding kapighatian sa mundo ay mararamdaman na ng lahat. 


Sa parating na matinding kawasakan sa espirituwal ay mauunawaan ng lahat ang buong katotohanan na tila pagsikat ng araw sa katanghaliang tapat. 


Pagkatapos ng pagkahayag ng lahat ng katotohanan ay literal na kawasakan sa mundo ay maipapahayag. 


Ano nga ba ang kahihinatnan ng lahat? Handa na ba ang puso mong tanggapin ang buong katotohanan?


Walang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato, lahat ay iguguho! Susunod na ang kahirapang di pa nangyayari kahit kailan. 


Handa ka na ba kapatid ko? Ihanda ang puso mo, subalit dapat mas handa ka sa pananampalatayang nasa iyo 


Parating na ang matitindi... kakayanin mo kaya? Kaya't mangagpuyat at alerto sa lahat ng magaganap. 


Totoong malapit na... nasa pintuan na nga. Heto na ba ang huling tatlong taon at kalahati? O maraming taon pa ang bibilangin?


Nandirito na lahat ang mga palatandaan, di mo pa ba isusuko sa Diyos ang iyong kapalaran? o baka abala ka pa sa pagpapayaman at nasa ng mata ang pinagtutuunan?



Roma 13
12Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti. 13Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kalaswaan at kahalayan, sa alitan at inggitan. 14Ang Panginoong Jesu-Cristo ang paghariin ninyo sa inyong buhay at huwag ninyong sundin ang mga hilig ng laman.



Lucas 17:27 (ASND)Sa panahon nga ni Noe, wala silang inaatupag kundi ang magsaya. Nagkakainan sila, nag-iinuman at nag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. Dumating ang baha at nalunod silang lahat.

TAYO AY MAGHANDA

Image may contain: night, text that says 'So you also must be ready, because the Son of Man will come at an hour when you do not expect him. Matthew 24:44 DailyVerses.net'

Dumarating na mabilis,
ang paglipas ng panahon.
Ang mundong dati'y payapa,
napuno na ng panaghoy.
Bawat hakbang ay panganib
sa atin ay nakaabang...
Saan na nga ba patungo,
itong ating kapalaran...
-
Sa gitna ng mga hapis,
napukaw ang ala-ala...
Hindi nga pala marapat,
Ang labis na pangangamba.
Ang lahat ng kaganapan,
Sinalita na ng Ama...
mga tanda na ang wakas,
ay totoong malapit na!
-
Kaya tayo ay maghanda,
Sikapin nating manghawak.
Mga Banal na Utos Niya,
ay lubos nating matupad.
Hilingin natin sa Ama,
na bigyan tayo ng lakas...
makarating sa piling Niya,
kaluluwa natin ay ligtas!

Mula kay Kapatid na Carla Manansala

NANG ORAS DING IYON...


                              Image may contain: one or more people and text

Magpapatuloy ang digmaan sa apat na sulok ng mundo,
Marami ang mauuhaw at lalaganap ang taggutom,
Mas maraming lilitaw na mababangis na hayop,
Lilikha ng malalalim na sugat ang iba pang mga salot.
.
Darami ang mga buwitreng kumakain ng laman,
At lahat ng mga patay kanilang pupuntahan,
Walang makakapigil, patuloy na matutupad,
Nakiisa sa Kordero, sila lang ang maliligtas.
.
May kasulatang nakarolyo na hawak ng nasa trono,
Lumapit ang Kordero at kinuha niya ito...
Nang ito ay buksan niya, kaginhawaan ay natamo.
Lumakas ang mahihina at sumaya ang mga puso.
.
Digmaan, taggutom, salot, at mababangis na hayop.
Lahat ng ito sa mundo ay susubok,
Malapit na ang matinding paggapas, lilinisin na ang bukirin,
Liliparin na ang mga ipa ng malakas na hangin.

Mula kay kapatid na Eloy