
Mayroong bagong awit na patuloy na aawitin,
Mula ito sa malayo sa dulo ng daigdig,
Ilan lang at may takdang bilang ang makakaunawa,
Mula sa mga anak na lalaki at mga babae sa mga wakas ng lupa.
.
Ang bagong awitin ay mula sa maylikha,
Ang inaakalang matatag ay tiyak na magigiba,
Ang bagong awitin ay may dalang malakas na ulan,
May dalang malakas na hangin na labis nating ikabibigla.
.
Ang bagong awitin ay may dalang mga tipak ng yelo,
Matatag na pader ay wawasakin nito,
Maraming butas dito ay tiyak na mahahayag,
Mahina pala ang pader, akala ng lahat ito ay matatag.
.
Ang bagong awitin ay tila tunog ng trumpeta,
Dala-dala nito ay lubos na paghahanda,
Ngunit sa mababangis na hayop ay iba ang inaakala,
Tumitindi ang kanilang galit, nais lagi ay lumapa.
.
Ang bagong awitin ay may dalang malakas na lindol,
Sa takdang araw biglaan ito at walang makakatutol,
Tiyak na mababalita sa lahat ng pahayagan,
Matataas na bundok ay mawawala sa kanilang kinalalagyan.
.
Ang bagong awitin ay tila apoy sa masasama na sumusunog,
At ang apoy na ito ay nagpapadalisay naman sa may mabubuting puso,
Ang bagong awiting ito ay patuloy na aawitin,
Hanggang sa ang Bagong Langit at lupa ay ating marating.
.
.
.
Mateo 13 Bagong Sanlibutang Salin
14 at sa kanila ay natutupad ang hula ni Isaias, na nagsasabi,
‘Sa pakikinig, maririnig ninyo ngunit sa anumang paraan ay HINDI MAKUKUHA ANG DIWA NITO; at, sa pagtingin, titingin kayo ngunit sa anumang paraan ay hindi makakakita.
.
.
Daniel 12 TLAB
9At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa PANAHON NG KAWAKASAN. 10Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama
na makakaunawa; nguni't SILANG PANTAS AY MANGAKAKAUNAWA.