
Dati rati'y hawak na ang ilaw,
Bakit hinayaan pang Ikaw ay makabitaw?
Tulad ka ng binhi sa tabi ng daan,
Dumating ang ibon, tinangay nalang bigla.
.
Sa kaunting panahon kaluluwa'y nakinabang,
Nabusog ang puso mo sa kayamanang espirituwal,
Ngunit paanong ikaw, ngayon ay nakabitaw?
Nawala nalang bigla, dina nasilayan.
.
Paano kana sa pagsapit ng hatinggabi?
Paghawak sa ilaw iyong isinantabi,
Tiyak na mangangapa ka sa gitna ng dilim,
Hindi ka handa sa lahat ng paparating.
.
Sa mga natitirang hawak pa ang ilaw,
Sikaping panghawakan huwag bibitawan,
Pag-iipon ng langis iyo pang pagsikapan,
Upang manatili ang tanglaw sa gitna ng kadiliman.