Thursday, October 10, 2019

MGA IPANG TATANGAYIN NG HANGIN AT PANGANGALATIN




May isang malaking puno, nasa loob ng kulungan,
May dumating na tao, binunot, kinuha hanggang ugat.
Pagdating ng araw mga babasaging sisidlan,malilito't mangagtatanungan,
Sila ang mga palayok na ang laman ay puro hangin lang.

Bakit ganito ang nangyari?, anila, Sa atin may pangako naman...
Umasa sila sa pangakong di naman tinumbasan,
Inakala nila ligaya'y walang hanggan,
Nasaan na ang pangako di nakamtan, walang katugunan.

Huwag magtaka sapagkat ang kasunduan sa lumikha ay binalewala.
Mga lihim na gawa lahat ay hayag sa Kaniya.
Lahat ng pananim tiyak na gagapasin.
Kung ano ang itinanim ay iyon ang aanihin.
Ihihiwalay ang dayami sa trigong pakikinabangin.
Ang lahat ng ipa ililipad ng mainit na hangin.
Ang hangin na ito ay napakalakas, tiyak na pangangalatin.