
Gabi na, hawakan na ang ilaw,
Ilang sandali nalang, sasapit na ang hatinggabi,
Marami ang mangangapa hindi alam ang gagawin,
Ngunit ang may ilaw deretso ang lakad kahit laganap ang dilim.
.
Iihip ang hangin, mabubuwal ang mga diyus-diyosan,
Sa tindi ng pagbagsak, magkakadurog-durog, walang maiiwan,
Madudurog at parang ipa, tatangayin ng hangin kahit saan,
Sa sandaling panahon, lahat mawawala parang alikabok lang.
.
Sa kaunting panahon, magkakaroon ng katahimikan,
Magsasagawa ng panata, ganap na pagsisisi sa mga kasalanan,
Kay buti ng Ama, ginising ang mga nagkalat na patay,
Sa kanyang malakas na tinig, nagtayuan ang mga bangkay.
.
Sa kanilang paggising, sasagana ang mga pagkain,
Iba’t-ibang putahe ang sa kanila’y ihahain,
Kailangang maging handa, kaluluwa’y palakasin,
Kailangan iyan sa mas matindi pang bagyong sasagupain.