Monday, November 18, 2019

ANG MGA PALAYOK NA GINAWA NG KANYANG KAMAY

Image may contain: one or more people, cloud, sky, mountain, twilight, nature and outdoor

Ang pangako ng Ama sa mga tagasunod ay kapayapaan.
Hindi mawawala ang Kanyang pag-ibig sa taong sa Kanya ay nananangan,
Matutulad sila sa ilog na hindi natutuyo kailanman,
Maliligtas sa anomang dumating na kasakunaan.
.
Ituturo ng Ama ang landas na tatahakin,
Hindi itutulot na mahulog sila sa malalim na bangin,
Umulan man o bumagyo ay ililigtas parin,
Umaasa sa Kanya at patuloy na kakalingain.
.
Aalalayan sila ng Kaniyang katuwiran,
Palalakasin Niya sila anoman ang kahinaan,
Mababangis na hayop sa lansangan ay dumating man,
Hindi sila maaano dahil may hawak na tungkod na bakal.
.
Tulad sila ng palayok na ginawa ng Kanyang kamay,
At nilagyan ng tubig na nagbibigay buhay,
Diyan kukuha ng inumin ang mga manlalakbay,
Mga uhaw sa katuwiran at gusto pang mabuhay.
.
Inutusan sila na umakyat sa bantayan,
Upang isigaw ang ukol sa malaking handaan,
Ang lahat ng makita ay inaanyayahan,
Halina't kumain ng makuha ang kalakasan.
.
.
.
Revelation 3 CSB
4But you have a few people in Sardis who have not defiled their clothes, and they will walk with me in white, because they are worthy. 5 “In the same way, the one who conquers will be dressed in white clothes, and I will never erase his name from the book of life but will acknowledge his name before my Father and before his angels.
.
Revelation 2 CEV
25But until I come, you must hold firmly to the teaching you have.26 I will give power over the nations to everyone who wins the victory and keeps on obeying me until the end. 27-28I will give each of them the same power my Father has given me. They will rule the nations with an iron rod and smash those nations to pieces like clay pots. I will also give them the morning star.
.
Isaiah 54 AMP
10For the mountains may be removed and the hills may shake,But My lovingkindness will not be removed from you,
Nor will My covenant of peace be shaken,”Says the Lord who has compassion on you.

Sunday, November 17, 2019

Ang babaeng iiwan ng asawa...

Image may contain: 2 people, text

May Malaki at pulang dragon,
Ihahagis niya sa lupa ang ilang mga bituin sa langit.
Kapag naihagis na ang ikatlong bahagi ng bituin…

ay siya namang paghilab ng tiyan ng babaing manganganak.
Matinding hirap… matinding sakit
Ngunit paano maihahagis ang mga bituin?
Sino ang dragon? Kanino sumasalamin?
Ano ang kinalaman sa babaeng hirap ang daranasin?

Sa matinding hirap na daranasin ng babae..
Ang asawa niyang wala sa kanyang tabi ay nanasain..
Bakit nga ba ikinubli siya sa kanyang paningin?
Ayaw niyang pasakop? Ayaw niyang sundin?
Nasaan ang kanyang anak? Bakit dinala sa langit?
Puro kalungkutan, ang hirap ay kay tindi.
Dinala sa ilang, nawala sa dating tahanan.
Sino ang babae? Kanino sumasalamin?

Ang galit ng asawa ay mag aalab at pababayaan siya ng walang awa,
Maraming kabagabagan, mag-iisip bakit kaya?
Isinara ang pandinig, Ikinubli ang mukha,
Mauunawaan kaya kasamaang kanyang nagawa?
Isinusumpa ang lumalayo sa utos at sa iba nagtitiwala,
Ngunit iingatan at sasaklolohan ang tumatalikod sa kasamaan,
Matutulad sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog,
Mamumunga ng sagana, laging sariwa tag-init man o tag araw.

Sa lubos na pagsisisi ay muli siyang kaaawaan,
Iniwan siya sa kaunting panahon ngunit muling kakalingain,
Muling kukupkupin at muling ililigtas,
Muling ibabalik ang anak na nawala,
Muling babalik ang asawang nagtakwil sa kanya,
Pasasaganain muli sa maraming pagkain,
Ibabalik ang kalusugan at hindi na mag-iisa
Muling ibabalik sa dating tahanan,
Sa bundok ng Zion kaligayahan ay matatamasa.


--------------------------------------------------------------------------


Ang bituin na ibabagsak....

Obadias 1
3Nilinlang ka ng iyong kayabangan;
dahil ang kapitolyo mo'y nakatayo sa batong buháy;
dahil ang tahanan mo'y nasa matataas na kabundukan.
Kaya't sinasabi mo,
‘Sinong makakapagpabagsak sa akin?’”
4Kasintaas man ng pugad ng agila ang iyong bahay,
o maging ang mga bituin man ay iyong kapantay,
hahatakin kitang pababa at ikaw ay babagsak.

_________


Ang dragon at ang babaeng manganganak

Pahayag 12
3Isa pang palatandaan ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito'y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. 4Kinaladkad ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos, tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito'y isilang.

_________

Ang matinding hirap sa panganganak

Pahayag 12
2Manganganak na siya, kaya dumadaing siya dahil sa matinding sakit.

_________


Ang pagkakasala na naging sanhi ng paghihirap

Genesis 3
16Sa babae nama'y ito ang sinabi:
“Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin,
at sa panganganak sakit ay titiisin;
ang asawang lalaki'y iyong nanasain,
pasasakop ka sa kanya't siya mong susundin.”

_________


Ang galit ng Diyos dahil sa pagkahumaling sa ibang dios...

Deut 31-17
17Kung magkagayo'y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon, at aking pababayaan sila, at aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, at sila'y sasakmalin, at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila; na anopa't kanilang sasabihin sa araw na yaon, Hindi ba ang mga kasamaang ito ay dumating sa atin dahil sa ang ating Dios ay wala sa gitna natin? 18At ikukubli ko nga ang aking mukha sa araw na yaon dahil sa buong kasamaang kanilang ginawa, sa paraang sila'y pumihit sa ibang mga dios.

_________


Ang pagtakas papunta sa ilang sa hinaharap na panahon...

Pahayag 12
. 5At nanganak nga ang babae ng isang sanggol na lalaki na siyang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal. Hindi nakain ng dragon ang sanggol dahil inagaw agad ang sanggol at dinala sa Dios doon sa kanyang trono. 6Ang babae naman ay tumakas sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Dios para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw.

_________


Ang makakadama ng parusa at kung sino ang makakadama ng kalinga..

Jeremias 17
4Mawawala sa inyo ang lupaing ibinigay ko. Ipapaalipin ko kayo sa mga kaaway nʼyo sa lupaing hindi nʼyo alam, dahil ginalit nʼyo ako na parang nagniningas na apoy na hindi mamamatay magpakailanman.”
5Sinabi pa ng Panginoon, “Isusumpa ko ang taong lumalayo sa akin at nagtitiwala lamang sa tao. 6Matutulad siya sa isang maliit na punongkahoy sa ilang na walang magandang kinabukasan. Maninirahan siya sa tigang at maalat na lupain na walang ibang nakatira. 7Pero mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa lamang sa akin. 8Matutulad siya sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog na ang mga ugat ay umaabot sa tubig. Ang punongkahoy na itoʼy hindi manganganib, dumating man ang tag-init o mahabang tag-araw. Palaging sariwa ang mga dahon nito at walang tigil ang pamumunga.

_________


Muling kaaawaan at kakalingain

Isaiah 54-7
7Iniwan kita sandali, pero dahil sa laki ng awa ko sa iyo ay muli kitang kukupkupin. 8Dahil sa bugso ng galit ko sa iyo, iniwan kita sandali, pero dahil sa aking walang hanggang pag-ibig sa iyo, kaaawaan kita. Ako, ang PANGINOON na inyong Tagapagligtas ang nagsasabi nito.

_________


Ang sumasalamin sa asawang nang-iwan at ang asawang iniwanan

Isaias 54
5Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo,
ang pangalan niya'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel,
kung tawagin siya'y Diyos ng buong sanlibutan.
6Israel, ang katulad mo'y asawang iniwan at ngayo'y nagdurusa,
isang babaing maagang nag-asawa at pagkatapos ay itinakwil.
Ngunit pinababalik ka ngayon ni Yahweh at sa iyo'y sinasabi,
7“Sandaling panahon kitang iniwanan;
ngunit dahil sa tapat kong pag-ibig, muli kitang kakalingain.
8Sa tindi ng aking galit, sandali akong lumayo sa iyo,
ngunit ipadarama ko sa iyo ang aking kahabagan sa pamamagitan ng pag-ibig na wagas.”
Iyan ang sabi ni Yahweh na magliligtas sa iyo.

_________


Ang pagliligtas sa takdang araw pagkatapos ng lubos na pagsisisi

Pahayag 12
7Pagkaraan nito'y nagkaroon ng digmaan sa langit! Pinamunuan ni Miguel ang kanyang mga anghel sa pakikipaglaban sa dragon at sa mga kampon nito. 8Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at pinalayas sila sa langit. 9Itinapon ang dambuhalang dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga kampon.
10At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi,
“Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang lakas bilang Hari! Ipinamalas din ni Cristo ang kanyang kapangyarihan! Sapagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin.

MAY WAKAS ANG SIMULA

Image may contain: 2 people, people smiling, text

May itinakdang araw sa mundo ang maylikha,
Malakas na lindol, marami ang magigiba,
Matataas na tore babagsak nalang bigla,

Guguho ang mga bundok, malalaglag ang mga tala.
.
Pupula ang buwan, mawawala ang sikat ng araw,
Darating ang malakas na bagyo, mga ilog ay aapaw
Raragasa ang malakas na tubig, di kayang pigilan ninoman.
Tatangayin ang mahihina, lahat ng di naging handa.
.
Maraming mananaghoy, magsusuot ng pangluksa,
Marami ang dadaing, mga katawan ay manghihina,
Mangangatog ang mga tuhod, patuloy na luluha,
Kakalat ang mga bangkay, pagdating ng araw na itinakda.
.
Inaakala ng lahat, ligaya'y walang hanggan,
Pagsasaya sa ibabaw ng bundok, tila walang katapusan,
Marami ang naglalasing, sa tagumpay na tinatamasa,
Walang kamalay-malay may wakas na itinakda.
.
Itinakda na ang wakas simula pa noong una,
Lahat may katapusan sa lahat ng simula,
Lahat ay naisulat na mula pa noong una,
Ano ang maaasahan, pagpapala o sumpa?

.
.

Kailangang ihanda ang ating mga sarili sa higit pang ikatataas ng ating mga pananampalataya sa mga Salita ng ating Dios. Sapagkat ang lahat ay may katapusan. Iba ang inaakala ng iba sa totoong magaganap!
.
Isaiah 46
9 “REMEMBER THE FORMER THINGS OF OLD, for I AM GOD, and there is no other; I am God, and there is
none like Me,
10 DECLARING THE END FROM THE BEGINNING, and from the ancient times things that are not yet done,
saying, ‘My counsel shall stand, and I WILL DO ALL MY
PLEASURE.”
.
Habakkuk 2:3-4 Easy-to-Read Version (ERV)
God Answers Habakkuk
3 This message is about a SPECIAL TIME IN THE FUTURE. THIS MESSAGE IS ABOUT THE END, and it will come true. Just be patient and wait for it. That time will come; it will not be late. 4 THIS MESSAGE CANNOT HELP THOSE WHO REFUSE TO LISTEN TO IT, BUT THOSE WHO ARE GOOD WILL LIVE BECAUSE THEY BELIEVE IT.
.
.
Patuloy na magbasa dito sa Bible Believers page at sundin ang lahat ng payong naririto. Ito ang ating ikapagiging handa sa nalalapit na mga kaganapan.
.

.

ANG PAGDATING NG ANAK NG TAO

Image may contain: text

Malapit na ang wakas, dapat nang magtalaga,
May pag-ulan ng yelo, ang pader ay magigiba,
Marami ang tatakas, mawawala ang panangga,

Maging mapagpuyat, biglaan ang pagdating niya.
.
Makikita siya ng lahat mula sa alapaap,
Matatakot ang mga hari magtatago sa isang iglap,
Ang anak ng tao darating siya na parang kidlat,
Darating na may kaluwalhatian mula sa mga ulap.
.
Malapit nang gantimpalaan ang mabubuting katiwala,
Ngunit parusa naman sa lahat ng nagpapabaya,
Silang nang-aalipin na tila may alila,
Lahat ay lasing na sa lahat ng tinatamasa.
.
May pagtatatak na mula sa apat na hangin,
Mula sa wakas ng lupa, lahat ay titipunin,
Maraming mamamatay, maliban lang sa may tatak,
Silang may mabubuting puso tinatawag na mga hamak.
.
Nakahanda na ang tabak na puputol sa mga puno,
Tumaas ng tumaas, hindi na maabot ng kahit sino,
Nakasuot ng maskara, makikilala kung sino-sino,
Sinong makakatagal sa parusa ng anak ng tao?
.
Sino ang tumikim sa ipinagbabawal na bunga?
May babala na dati, alam na ang parusa,
Itinuring ang sarili na tila Dios na maylikha,
Ngunit pagdating ng Anak ng Tao lahat ay mabibigla.
.
Marami ang iiyak, marami ang magtataguan,
Mga nanakit sa katawan niya di alam ang patutunguhan,
Takot na takot sila sa biglaang pagpaparusa,
Mayayanig ang lahat, mananangis ang mga bansa.

.
.
Pahayag 1 ASND
7Magsipaghanda kayo! Darating si Jesus na nasa mga ulap. Makikita siya ng lahat ng tao, pati na ng mga pumatay sa kanya. At iiyak ang mga tao sa lahat ng bansa sa mundo dahil sa takot nilang sila ay parurusahan na niya. Totoo ito at talagang mangyayari.
.
Pahayag 3 ASND
4Ngunit may ilan sa inyo riyan sa Sardis na hindi nahawa sa masamang gawain ng iba. Lalakad silang kasama ko na nakasuot ng puting damit, dahil karapat-dapat sila. 5Ang magtatagumpay ay bibihisan ng puting damit at hindi ko aalisin ang pangalan niya sa aklat na listahan ng mga taong binigyan ng buhay na walang hanggan. Ipapakilala ko sila sa aking Ama at sa kanyang mga anghel na sila ay mga tagasunod ko.
.
Pahayag 16 ASND
Pero sinabi ng Panginoon, “Makinig kayong mabuti! Darating ako na tulad ng magnanakaw dahil walang nakakaalam. Mapalad ang taong nagbabantay at hindi naghuhubad ng kanyang damit, upang sa pagdating ko ay hindi siya lalakad na hubad at hindi mapapahiya sa mga tao.”

ANG SALITA NG KARUNUNGAN SA UNA AT SA HULI

Image may contain: cloud, sky, text and outdoor
Kung bukas ang mata mo sa katotohanan
ay ibibigay sa iyo ang karunungan,
Kung handa kang sumunod sa katotohanan,

ay tiyak ipasusumpong, kayamanang espirituwal.
.
Akala ng iba’y sapat na at nahanap na nila,
Katotohanang alam nila may mas malalim pa pala,
Kapag nasumpungan mo, puso ay sasaya,
Mararamdaman mo ang pagpapala ng Ama.
.
Hindi ito masusumpungan ng kung sino-sino lang,
Ipagkakaloob lang sa mga pinili ng Ama,
Sa mga tunay na nananalig sa Kanyang mga Salita,
Ito ay tungkol sa “dulo” sa ikapagiging handa.
.
Ang tunay na naghahanap ang siyang makakasumpong,
Bubuksan ang pinto sa kanya sa huling panahon,
Hindi ito mabubuksan o maisasara ninuman,
Ipagkakatiwala lang sa tunay ang susi ng kaharian.
.
Ang susi ng kaharian ay mga Salita ng Karunungan,
Ihahayag sa taong dito ay nananangan,
Silang mga nagsisikap dumaan sa makipot na pintuan,
Mga tupang naghahanap ng sariwang damo sa pastulan.
.
Kasama ng Ama ang una, kasama din Siya ng huli,
Maghahayag Siya sa Una at maghahayag din sa Huli,
Mayroong pagtatanim, mayroong pag-aani,
May takdang panahon ang mga lihim na nakakubli....

.
.

KASAMA NG AMA ANG UNA, AT KASAMA DIN NIYA ANG HULI
.
Isaiah 41:4 New International Version
Who has done this and carried it through, calling forth the generations from the beginning? I, the LORD--WITH THE FIRST of them and WITH THE LAST--I am he."
.
.
HINDI IPINAALAM SA PANAHON NG PAGTATANIM ANG UKOL SA PANAHON NG PAG-AANI
.
Mangangaral 3 RTPV05
1Ang lahat sa mundong ito ay MAY KANYA-KANYANG PANAHON, may kanya-kanyang oras.
10Alam ko na ang itinakda ng Diyos sa tao. 11Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. ANG TAO'Y BINIGYAN NIYA NG PAGNANASANG ALAMIN ANG BUKAS NGUNIT HINDI BINIGYAN NG PAGKAUNAWA SA GINAWA NG DIYOS MULA SA PASIMULA HANGGANG SA WAKAS.
.
.
ANG MGA TAPAT SA SALITA SA HULING PANAHON
.
Pahayag 3:7-8, 10-12 ASND
7“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Filadelfia: “Ito ang mensahe ng banal at mapagkakatiwalaan na may hawak ng susi ng kaharian ni David. Kapag binuksan niya ang pinto ng kaharian, walang makapagsasara nito. At kapag isinara niya, wala sinumang makapagbubukas nito: 8ALAM KO ANG MGA GINAGAWA NINYO. KAHIT KAKAUNTI ANG INYONG KAKAYAHAN; SINUNOD NINYO ANG MGA TURO KO AT NAGING TAPAT KAYO SA AKIN. KAYA NAGBUKAS AKO NG PINTUAN PARA SA INYO NA WALANG MAKAPAGSASARA.
10DARATING ANG MATINDING KAHIRAPAN SA BUONG MUNDO NA SUSUBOK SA MGA TAO. NGUNIT DAHIL SINUNOD NINYO ANG UTOS KO NA MAGTIIS, ILILIGTAS KO KAYO SA PANAHONG IYON. 11MALAPIT NA AKONG DUMATING. Kaya ipagpatuloy ninyo ang mabubuti ninyong gawa upang hindi maagaw ng kahit sino ang gantimpalang inihanda para sa inyo. 12Ang magtatagumpay ay gagawin kong parang haligi sa bahay ng aking Dios, at hindi na siya aalis doon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Dios at ang pangalan ng lungsod ng Dios, ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.
.
.
ANG MGA PINAGKATIWALAAN NG MENSAHE SA HULI
.
Gawa 2 RTPV05
17‘Ito ang gagawin ko sa mga HULING ARAW,’ sabi ng Diyos,
‘Ipagkakaloob ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao;
ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe.
Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain,
at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.
18SA PANAHONG IYON, IBUBUHOS KO RIN ANG AKING ESPIRITU, SA AKING MGA ALIPIN, MAGING LALAKI AT BABAE, AT IPAHAHAYAG NILA ANG AKING MENSAHE.
.
.

ANG MUNDO SA BAWAT PANAHON

Image may contain: text
Paulit-ulit lang ang mga pangyayari,
kung may pagtatanim, may pag-aani,
Yun ang nakatakda sa bawat gawain,
Kung may itinanim, mayroon ding aanihin.
.
Patuloy bang nakatanim ang trigo at masamang damo sa bukid?
Walang katapusang pagtatanim walang pag-aani?
Ganoon ba ang nakatalaga sa mundo natin?
Nalilibang ang iba, hindi alam ang sasapitin.
.
Mananatili lang bang nakakabit ang prutas sa puno?
Mananatiling sariwa walang pagbabago?
Hindi ba't sa kalaunan may bungang nabubulok?
Kapag inuga ang puno maraming malalaglag dito.
.
Paulit-ulit lang ang kaganapan sa mundo,
Sumisikat ang araw, lumulubog din ito.
May payapang panahon, minsan nama'y may bagyo,
Paulit-ulit lang talaga ang pangyayari sa mundo.
.
May panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay,
Panahon ng pagtatagpo at panahon ng paghihiwalay,
May oras ng pagtulog at oras ng paggising,
Ang lahat sa mundong ito paulit-ulit lang din.
.
Ang mga Salita ng Dios ay nakalihim sa hiwaga,
Maraming mga bagay di lahat nauunawa,
Kaya't di alam ng iba kung ano ang nakatakda,
Akala ay alam na ngunit iba pala sa inaakala.
.
Ang tunay na naghahanap tiyak na makakatagpo,
Tunay na kayamanan tiyak masusumpungan mo,
Ang mawawasak na mundo, mauunawaan mo,
Masayang buhay sa bagong mundo ay tiyak na matatamo.
.
.

MAY KAALAMAN SA SIMULA AT MAYROON DING KAALAMAN SA WAKAS NG LUPA. HINDI LAHAT IPINAALAM SA SIMULA, SAPAGKAT ANG LIHIM AY MAHAHAYAG SA PANAHONG ITINAKDA!
.
👇
Mangangaral 3 RTPV05
1Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras.
10Alam ko na ang itinakda ng Diyos sa tao. 11Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao'y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.
.
.
ANG UNA AT ANG HULI
.
Isaias 41 TLAB
4Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang UNA, at KASAMA NG HULI, ako nga,
.
.
ANG LIHIM NOONG UNA
.
Daniel 12 TLAB
4Nguni't ikaw, Oh Daniel, ISARA MO ANG MGA SALITA, AT TATAKAN MO ANG AKLAT, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.
.
.
ANG LIHIM NA MAHAHAYAG KAPAG MALAPIT NA!
.
Pahayag 22 ASND
10Sinabi pa niya sa akin, “HUWAG MONG ILILIHIM ANG MGA PROPESIYA SA AKLAT na ito, DAHIL MALAPIT NA ITONG MATUPAD.

ANO ANG TINATAWAG NA MUNDO?
.
Isaias 41 ASND
4Sino ang gumawa ng lahat ng ito? Sino ang nagpanukala ng lahat ng mga mangyayari mula pa noong UNANG HENERASYON? Hindi baʼt ako? AKONG PANGINOON AY NAROON NOONG SINIMULAN ANG MUNDO, at NAROROON DIN AKO HANGGANG SA KATAPUSAN NITO.
.
.
Nasa ikatlong henerasyon na tayo sa loob ng bayan ng Dios...


Patuloy na panghawakan ang katotohanan sa page na ito. Matatagpuan ang kayamanang espirituwal sa dulo ng panahong ito.


ANG MGA BINHING NAHULOG SA TABI NG DAAN

Image may contain: text
Maraming manlalakbay ang natitisod sa bato,
Ang batong iyon ay ang Panginoong JesuCristo,
Siya ang sumasalamin sa Salita ng Panginoong Diyos,

Ang Salitang inihahayag na makapagliligtas sa tao.
.
Maraming binhi ang nahulog sa tabi ng daan,
Dumating ang ibon at inilipad kung saan-saan,
Marami ang ayaw mag-ipon ng langis sa ilawan,
Kundi sana'y handa sila at hindi maiiwan.
.
Ang tunay na lingkod ay binigyan ng kaloob,
Gamitin ang isip at nang hindi maitalikod,
Sa pakikinig sa Salita ang tunay na paglilingkod,
Sa pagsunod sa utos, ang Dios ay nalulugod.
.
Maliligtas ba tayo ng kung sinumang tao?
Mapipigilan ba niya ang pagdating ng malakas na bagyo?
Ang buhay ng tao ay tulad lang ng bulaklak,
Pagdating ng malakas na hangin lahat sa kanya ay malalaglag.
.
Ang tanging tagapamagitan ay ang Panginoong JesuCristo,
Siya ang tanging Saligan, ang matibay na bato,
Kung ang isang bahay hindi dito itinayo,
ay matutulad lang sa bahay na tatangayin ng bagyo.
.
Marami mang itim na ibon ang nagkalat kung saan-saan,
Mayroon namang binhi hindi malalaglag sa tabi ng daan,
Mayroon din namang mahuhulog sa matabang lupa,
Kaya mayroon ding mamumunga ng sagana.
.
Maraming hindi makakatanggap, maraming hindi makakaunawa,
Ngunit tunay na mapalad ang lahat ng nagtitiyaga,
Hindi natatangay ng hangin, hindi pahapay-hapay,
Tunay na pananaligan lang ay ang Salita ng buhay.
.
.
.
Para ito sa mga binhing nahulog sa tabi ng daan na tinuka ng ibon, kaya hindi nanatili sa kanilang puso ang mga Salita at hindi nila pinaniwalaan.
.
👇
ANG PAGTALIKOD SA KATOTOHANAN...dahil hindi matanggap ang mabigat na Salita na mula sa Panginoon.
.
Juan 6 ASND
60Nang marinig iyon ng mga tagasunod ni Jesus, marami sa kanila ang nagsabi, “MABIGAT ANG ITINUTURO NIYA. SINO ANG MAKAKATANGGAP NITO?” 61Kahit na walang nagsabi sa kanya, alam ni Jesus na nagbubulung-bulungan ang mga tagasunod niya dahil sa mga itinuro niya. Kaya sinabi niya sa kanila, “HINDI BA NINYO MATANGGAP ANG MGA SINABI KO? 62Paano pa kaya kung makita ninyo ako na Anak ng Tao na pumapaitaas pabalik sa aking pinanggalingan? 63Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. ANG MGA SALITANG SINABI KO SA INYO AY MULA SA ESPIRITU AT NAKAKAPAGBIGAY-BUHAY. 64Pero may ilan sa inyo na hindi sumasampalataya.” Sinabi ito ni Jesus dahil alam niya sa simula pa kung sino ang mga hindi sumasampalataya, at kung sino ang magtatraydor sa kanya. 65“Ito ang dahilan kaya sinabi ko sa inyong walang makakalapit sa akin malibang ipahintulot ng Ama.” Dagdag pa ni Jesus.
66Mula noon, MARAMI SA MGA TAGASUNOD NIYA ANG TUMALIKOD AT HINDI NA SUMUNOD SA KANYA.
.

ANG MGA HINDI MAKAPANINDIGAN PARA SA KATOTOHANANG NAKASULAT
.
Juan 12 ASND
42Ganoon pa man, maraming pinuno ng mga Judio ang sumampalataya kay Jesus. Pero INILIHIM NILA ANG KANILANG PANANAMPALATAYA DAHIL TAKOT SILANG HINDI TANGGAPIN NG MGA PARISEO SA MGA SAMBAHAN. 43Sapagkat MAS GINUSTO PA NILANG PURIHIN SILA NG TAO KAYSA SA DIOS.
.

SA PILI LANG IPAPAUNAWA ANG KATOTOHANAN SA HULING PANAHON, SA PANAHON NG PAG-AANI.
.
Mateo 13:11-12, 16-19, 23 RTPV05
11Sumagot siya, “IPINAGKALOOB SA INYO ANG KARAPATANG MAUNAWAAN ANG HIWAGA TUNGKOL SA KAHARIAN NG LANGIT, ngunit HINDI ITO IPINAGKALOOB SA KANILA. 12Sapagkat ANG MAYROON AY BIBIGYAN PA, at MANANAGANA; NGUNIT ANG WALA, KAHIT ANG KAKAUNTING NASA KANYA AY KUKUNIN PA.
16“Subalit MAPALAD KAYO SAPAGKAT NAKAKAKITA ANG INYONG MGA MATA AT NAKAKARINIG ANG INYONG MGA TAINGA! 17Tandaan ninyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni narinig.”
18“Pakinggan ninyo ang kahulugan ng talinhaga tungkol sa manghahasik. 19KAPAG ANG ISANG TAO AY DUMIRINIG NG MENSAHE TUNGKOL SA PAGHAHARI NG DIYOS NGUNIT HINDI NAMAN NIYA IYON INUUNAWA, SIYA AY KATULAD NG BINHING NALAGLAG SA DAAN. DUMARATING ANG MASAMA AT AGAD INAALIS SA KANYANG ISIP ANG MENSAHENG KANYANG NAPAKINGGAN.
23“At ang katulad naman ng binhing napahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya't ito ay namumunga nang sagana, may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.”
.

PAULIT-ULIT LANG ANG PANGYAYARI SA PANA-PANAHON
.
Juan 12 RTPV05
38Sa ganoon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias,
“Panginoon, SINO ANG NANIWALA SA AMING MGA MENSAHE? Sino sa mga pinakitaan mo ng iyong kapangyarihan ang sumampalataya?
.
.
NAGAGANAP NA...
.
Isaiah 48:6 Berean Study Bible
You have heard these things; look at them all. Will you not acknowledge them? From now on I will tell you of new things, hidden things unknown to you

.
.


ANG ARAW NG PAGHUHUKOM AT ANG ARAW NG PAGDADALISAY

Image may contain: fire, night and text

Kung mayroong hindi naniniwala sa araw ng paghuhukom...
mayroon ding hindi naniniwala sa araw ng pagdadalisay.
Ano ngayon ang kaibahan nila sa iba?

Hindi ba't pare-pareho lang sila?
.
Kung tunay nga tayong naniniwala sa araw ng paghuhukom
ay dapat sana nasa paghahanda na tayo ngayon?
Lagi sanang iniisip ang ganap na pagbabagong buhay,
at hindi ang lahat ng sari-saring kalayawan sa buhay.
.
Sana handa na ang damdamin ng mga tupa,
Sana sa lahat ng dako ay nahanap na sila...
Nagkalat sila sa lahat ng dako,
nakikipagkagatan na tila katulad na ng mababangis na lobo.
.
Sa tagal ng panahon sa paulit-ulit na inihuhula,
tila ang iba ay hindi na naniniwala,
Patuloy ang iba sa paggawa ng masama,
Ang araw ng paghuhukom hindi na inalintana.
.
Kung tapat na naniniwala sa mga katotohanan,
Lahat sana sa paghahanda na ukol sa kabanalan,
Hindi nakatuon ang buhay sa nasa ng mata,
Kasama pa ang mga kaibayo sa pananampalataya.
.
Kaya sa isang pahayag ang sabi ng maylikha,
"May ihahayag Akong bago, hindi pa ninyo nalalaman,
Makikita ninyo at tiyak na matutupad,
Napakalakas na lindol na wawasak sa lahat,
.
Manginginig ang mga bundok mga bato'y mangangalat.
Pupula ang buwan, mawawala ang sinag ng araw,
Mahuhulog ang mga bituin mawawala sa langit na kinalalagyan,
Lahat ay maglalaho tulad ng usok sa isang iglap lang".
.
Ang Salita ay sadyang nakalihim sa hiwaga,
Kung alam lang ng lahat tiyak ay sigurado na sa paghahanda,
Ang inaakala natin noon sa katotohanan ay iba pala,
Ang mundong may katapusan iba sa inaakala...
.
Kaya't laging sikapin sa Salita ay manangan,
Parang ilaw na hawak tiyak na di mabubuwal,
Makakarating sa tiyak na patutunguhan,
Tiyak na makakamit.. buhay na walang hanggan.
.

.
.
ANG HINDI PAKIKINIG NG IBA...
.
Isaias 29 RTPV05
11Ang kahulugan ng lahat ng pangitaing ito ay parang aklat na nakasara. Kung ipababasa mo ito sa taong nakakaunawa, ang sasabihin niya'y, “Ayoko, hindi ko mababasa sapagkat nakasara.” 12Kung ipababasa mo naman sa hindi marunong bumasa, ito ang isasagot sa iyo, “Hindi ako marunong bumasa.” 13Sasabihin naman ni Yahweh, “SA SALITA LAMANG MALAPIT SA AKIN ANG MGA TAONG ITO, at SA BIBIG LAMANG NILA AKO IGINAGALANG, SUBALIT INILAYO NILA SA AKIN ANG KANILANG PUSO,
at ayon lamang sa utos ng tao ang kanilang paglilingkod.
14KAYA MULI AKONG GAGAWA NG KABABALAGHAN SA HARAPAN NILA, MGA BAGAY NA KAHANGA-HANGA AT KATAKA-TAKA; mawawalang-saysay ang karunungan ng kanilang mga matatalino, at maglalaho ang katalinuhan ng kanilang matatalino.”
.
.
ANG GAWAIN NG MGA HINDI KABILANG SA BAYAN NG DIOS AT ANG GAWAIN NG MGA KABILANG SA BAYAN NG DIOS NOON...
.
Roma 3 ASND
9Ano ngayon ang masasabi natin? Na tayo bang mga Judio ay talagang nakakalamang sa mga hindi Judio? Hindi! Sapagkat ipinaliwanag ko na, na ang lahat ng tao ay makasalanan, Judio man o hindi. 10Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Walang matuwid sa paningin ng Dios, wala kahit isa. 11Walang nakakaunawa tungkol sa Dios, walang nagsisikap na makilala siya. 12Ang lahat ay tumalikod sa Dios at naging walang kabuluhan. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.” 13“ANG KANILANG PANANALITA'Y HINDI MASIKMURA TULAD NG BUKAS NA LIBINGAN. Ang kanilang sinasabiʼy puro pandaraya. ANG MGA SALITA NILA'Y PARANG KAMANDAG NG AHAS. 14ANG LUMALABAS SA KANILANG BIBIG AY PANAY PAGMUMURA AT MASASAKIT NA SALITA. 15Sa kaunting dahilan lang pumapatay agad sila ng tao. 16Kapahamakan at hinagpis ang dala nila kahit saan. 17Hindi nila alam ang mamuhay nang mapayapa, 18at WALA SILANG TAKOT SA DIOS.”
.
.
ANG ARAW NG PAGDADALISAY AY SIYA RING ARAW NG PAGHUHUKOM
.
2 Pedro 3 RTPV05
7Sa pamamagitan din ng SALITANG IYON ay nananatili
ang mga langit at ang lupa UPANG TUPUKIN SA APOY
PAGDATING NG ARAW NG PAGHUHUKOM AT PAGPAPARUSA SA MASASAMA. 9Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. HINDI PA NIYA TINUTUPAD ANG PANGAKONG IYON ALANG-ALANG SA INYO. BINIBIGYAN PA NIYA
NG PAGKAKATAON ANG LAHAT UPANG MAKAPAGSISI AT TUMALIKOD SA KASALANAN SAPAGKAT HINDI NYA NAIS NA MAY MAPAHAMAK 10Ngunit ang ARAW NG PANGINOON ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, ANG KALANGITAN AY BIGLANG MAWAWALA kasabay ng isang malakas na ugong. MATUTUPOK
ANG ARAW, BUWAN AT MGA BITUIN. ANG MUNDO AT ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA NARIRITO AY MAWAWALA. 11At dahil ganito ang magiging wakas ng lahat ng bagay, mamuhay kayo nang may kabanalan at sikapin ninyong maging maka-Diyos 12habang hinihintay ninyo ang Araw ng Diyos. Magsikap kayong mabuti upang madaling dumating ang araw na ang KALANGITAN AY MATUTUPOK AT ANG MGA BAGAY NA NAROROON AY MATUTUNAW SA MATINDING INIT. 13Naghihintay tayo ng bagong
langit at ng bagong lupa na paghaharian ng katuwiran,
sapagkat ganoon ang kanyang pangako. 14Kaya nga, mga
minamahal, habang naghihintay kayo, sikapin ninyong
mamuhay nang mapayapa, walang dungis at walang kapintasan. 15Isipin ninyong kaya nagtitimpi ang Panginoon ay upang bigyan kayo ng pagkakataong maligtas. IYAN ANG ISINULAT SA INYO NG KAPATID NATING SI PABLO, taglay ang karunungang kaloob sa kanya ng Diyos. 16SA LAHAT NG SULAT NIYA TUNGKOL SA PAKSANG ITO, ganito ang lagi niyang paalala. KAYA LANG, ANG ILANG BAHAGI SA KANYANG MGA SULAT AY MAHIRAP UNAWAIN, at BINIBIGYAN NG MALING KAHULUGAN ng mga mangmang at maguguló ang pag-iisip. Ganyan din ang kanilang ginagawa sa ibang mga Kasulatan, kaya nga't ipinapahamak nila ang kanilang sarili.