
Kung bukas ang mata mo sa katotohanan
ay ibibigay sa iyo ang karunungan,
Kung handa kang sumunod sa katotohanan,
ay tiyak ipasusumpong, kayamanang espirituwal.
.
Akala ng iba’y sapat na at nahanap na nila,
Katotohanang alam nila may mas malalim pa pala,
Kapag nasumpungan mo, puso ay sasaya,
Mararamdaman mo ang pagpapala ng Ama.
.
Hindi ito masusumpungan ng kung sino-sino lang,
Ipagkakaloob lang sa mga pinili ng Ama,
Sa mga tunay na nananalig sa Kanyang mga Salita,
Ito ay tungkol sa “dulo” sa ikapagiging handa.
.
Ang tunay na naghahanap ang siyang makakasumpong,
Bubuksan ang pinto sa kanya sa huling panahon,
Hindi ito mabubuksan o maisasara ninuman,
Ipagkakatiwala lang sa tunay ang susi ng kaharian.
.
Ang susi ng kaharian ay mga Salita ng Karunungan,
Ihahayag sa taong dito ay nananangan,
Silang mga nagsisikap dumaan sa makipot na pintuan,
Mga tupang naghahanap ng sariwang damo sa pastulan.
.
Kasama ng Ama ang una, kasama din Siya ng huli,
Maghahayag Siya sa Una at maghahayag din sa Huli,
Mayroong pagtatanim, mayroong pag-aani,
May takdang panahon ang mga lihim na nakakubli....
.
.
⏳
KASAMA NG AMA ANG UNA, AT KASAMA DIN NIYA ANG HULI
.
Isaiah 41:4 New International Version
Who has done this and carried it through, calling forth the generations from the beginning? I, the LORD--WITH THE FIRST of them and WITH THE LAST--I am he."
.
.
HINDI IPINAALAM SA PANAHON NG PAGTATANIM ANG UKOL SA PANAHON NG PAG-AANI
.
Mangangaral 3 RTPV05
1Ang lahat sa mundong ito ay MAY KANYA-KANYANG PANAHON, may kanya-kanyang oras.
10Alam ko na ang itinakda ng Diyos sa tao. 11Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. ANG TAO'Y BINIGYAN NIYA NG PAGNANASANG ALAMIN ANG BUKAS NGUNIT HINDI BINIGYAN NG PAGKAUNAWA SA GINAWA NG DIYOS MULA SA PASIMULA HANGGANG SA WAKAS.
.
.
ANG MGA TAPAT SA SALITA SA HULING PANAHON
.
Pahayag 3:7-8, 10-12 ASND
7“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Filadelfia: “Ito ang mensahe ng banal at mapagkakatiwalaan na may hawak ng susi ng kaharian ni David. Kapag binuksan niya ang pinto ng kaharian, walang makapagsasara nito. At kapag isinara niya, wala sinumang makapagbubukas nito: 8ALAM KO ANG MGA GINAGAWA NINYO. KAHIT KAKAUNTI ANG INYONG KAKAYAHAN; SINUNOD NINYO ANG MGA TURO KO AT NAGING TAPAT KAYO SA AKIN. KAYA NAGBUKAS AKO NG PINTUAN PARA SA INYO NA WALANG MAKAPAGSASARA.
10DARATING ANG MATINDING KAHIRAPAN SA BUONG MUNDO NA SUSUBOK SA MGA TAO. NGUNIT DAHIL SINUNOD NINYO ANG UTOS KO NA MAGTIIS, ILILIGTAS KO KAYO SA PANAHONG IYON. 11MALAPIT NA AKONG DUMATING. Kaya ipagpatuloy ninyo ang mabubuti ninyong gawa upang hindi maagaw ng kahit sino ang gantimpalang inihanda para sa inyo. 12Ang magtatagumpay ay gagawin kong parang haligi sa bahay ng aking Dios, at hindi na siya aalis doon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Dios at ang pangalan ng lungsod ng Dios, ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.
.
.
ANG MGA PINAGKATIWALAAN NG MENSAHE SA HULI
.
Gawa 2 RTPV05
17‘Ito ang gagawin ko sa mga HULING ARAW,’ sabi ng Diyos,
‘Ipagkakaloob ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao;
ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe.
Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain,
at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.
18SA PANAHONG IYON, IBUBUHOS KO RIN ANG AKING ESPIRITU, SA AKING MGA ALIPIN, MAGING LALAKI AT BABAE, AT IPAHAHAYAG NILA ANG AKING MENSAHE.
.
.