Sunday, November 17, 2019

ANG MUNDO SA BAWAT PANAHON

Image may contain: text
Paulit-ulit lang ang mga pangyayari,
kung may pagtatanim, may pag-aani,
Yun ang nakatakda sa bawat gawain,
Kung may itinanim, mayroon ding aanihin.
.
Patuloy bang nakatanim ang trigo at masamang damo sa bukid?
Walang katapusang pagtatanim walang pag-aani?
Ganoon ba ang nakatalaga sa mundo natin?
Nalilibang ang iba, hindi alam ang sasapitin.
.
Mananatili lang bang nakakabit ang prutas sa puno?
Mananatiling sariwa walang pagbabago?
Hindi ba't sa kalaunan may bungang nabubulok?
Kapag inuga ang puno maraming malalaglag dito.
.
Paulit-ulit lang ang kaganapan sa mundo,
Sumisikat ang araw, lumulubog din ito.
May payapang panahon, minsan nama'y may bagyo,
Paulit-ulit lang talaga ang pangyayari sa mundo.
.
May panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay,
Panahon ng pagtatagpo at panahon ng paghihiwalay,
May oras ng pagtulog at oras ng paggising,
Ang lahat sa mundong ito paulit-ulit lang din.
.
Ang mga Salita ng Dios ay nakalihim sa hiwaga,
Maraming mga bagay di lahat nauunawa,
Kaya't di alam ng iba kung ano ang nakatakda,
Akala ay alam na ngunit iba pala sa inaakala.
.
Ang tunay na naghahanap tiyak na makakatagpo,
Tunay na kayamanan tiyak masusumpungan mo,
Ang mawawasak na mundo, mauunawaan mo,
Masayang buhay sa bagong mundo ay tiyak na matatamo.
.
.

MAY KAALAMAN SA SIMULA AT MAYROON DING KAALAMAN SA WAKAS NG LUPA. HINDI LAHAT IPINAALAM SA SIMULA, SAPAGKAT ANG LIHIM AY MAHAHAYAG SA PANAHONG ITINAKDA!
.
👇
Mangangaral 3 RTPV05
1Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras.
10Alam ko na ang itinakda ng Diyos sa tao. 11Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao'y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.
.
.
ANG UNA AT ANG HULI
.
Isaias 41 TLAB
4Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang UNA, at KASAMA NG HULI, ako nga,
.
.
ANG LIHIM NOONG UNA
.
Daniel 12 TLAB
4Nguni't ikaw, Oh Daniel, ISARA MO ANG MGA SALITA, AT TATAKAN MO ANG AKLAT, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.
.
.
ANG LIHIM NA MAHAHAYAG KAPAG MALAPIT NA!
.
Pahayag 22 ASND
10Sinabi pa niya sa akin, “HUWAG MONG ILILIHIM ANG MGA PROPESIYA SA AKLAT na ito, DAHIL MALAPIT NA ITONG MATUPAD.

ANO ANG TINATAWAG NA MUNDO?
.
Isaias 41 ASND
4Sino ang gumawa ng lahat ng ito? Sino ang nagpanukala ng lahat ng mga mangyayari mula pa noong UNANG HENERASYON? Hindi baʼt ako? AKONG PANGINOON AY NAROON NOONG SINIMULAN ANG MUNDO, at NAROROON DIN AKO HANGGANG SA KATAPUSAN NITO.
.
.
Nasa ikatlong henerasyon na tayo sa loob ng bayan ng Dios...


Patuloy na panghawakan ang katotohanan sa page na ito. Matatagpuan ang kayamanang espirituwal sa dulo ng panahong ito.