Sunday, November 17, 2019

Ang babaeng iiwan ng asawa...

Image may contain: 2 people, text

May Malaki at pulang dragon,
Ihahagis niya sa lupa ang ilang mga bituin sa langit.
Kapag naihagis na ang ikatlong bahagi ng bituin…

ay siya namang paghilab ng tiyan ng babaing manganganak.
Matinding hirap… matinding sakit
Ngunit paano maihahagis ang mga bituin?
Sino ang dragon? Kanino sumasalamin?
Ano ang kinalaman sa babaeng hirap ang daranasin?

Sa matinding hirap na daranasin ng babae..
Ang asawa niyang wala sa kanyang tabi ay nanasain..
Bakit nga ba ikinubli siya sa kanyang paningin?
Ayaw niyang pasakop? Ayaw niyang sundin?
Nasaan ang kanyang anak? Bakit dinala sa langit?
Puro kalungkutan, ang hirap ay kay tindi.
Dinala sa ilang, nawala sa dating tahanan.
Sino ang babae? Kanino sumasalamin?

Ang galit ng asawa ay mag aalab at pababayaan siya ng walang awa,
Maraming kabagabagan, mag-iisip bakit kaya?
Isinara ang pandinig, Ikinubli ang mukha,
Mauunawaan kaya kasamaang kanyang nagawa?
Isinusumpa ang lumalayo sa utos at sa iba nagtitiwala,
Ngunit iingatan at sasaklolohan ang tumatalikod sa kasamaan,
Matutulad sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog,
Mamumunga ng sagana, laging sariwa tag-init man o tag araw.

Sa lubos na pagsisisi ay muli siyang kaaawaan,
Iniwan siya sa kaunting panahon ngunit muling kakalingain,
Muling kukupkupin at muling ililigtas,
Muling ibabalik ang anak na nawala,
Muling babalik ang asawang nagtakwil sa kanya,
Pasasaganain muli sa maraming pagkain,
Ibabalik ang kalusugan at hindi na mag-iisa
Muling ibabalik sa dating tahanan,
Sa bundok ng Zion kaligayahan ay matatamasa.


--------------------------------------------------------------------------


Ang bituin na ibabagsak....

Obadias 1
3Nilinlang ka ng iyong kayabangan;
dahil ang kapitolyo mo'y nakatayo sa batong buháy;
dahil ang tahanan mo'y nasa matataas na kabundukan.
Kaya't sinasabi mo,
‘Sinong makakapagpabagsak sa akin?’”
4Kasintaas man ng pugad ng agila ang iyong bahay,
o maging ang mga bituin man ay iyong kapantay,
hahatakin kitang pababa at ikaw ay babagsak.

_________


Ang dragon at ang babaeng manganganak

Pahayag 12
3Isa pang palatandaan ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito'y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. 4Kinaladkad ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos, tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito'y isilang.

_________

Ang matinding hirap sa panganganak

Pahayag 12
2Manganganak na siya, kaya dumadaing siya dahil sa matinding sakit.

_________


Ang pagkakasala na naging sanhi ng paghihirap

Genesis 3
16Sa babae nama'y ito ang sinabi:
“Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin,
at sa panganganak sakit ay titiisin;
ang asawang lalaki'y iyong nanasain,
pasasakop ka sa kanya't siya mong susundin.”

_________


Ang galit ng Diyos dahil sa pagkahumaling sa ibang dios...

Deut 31-17
17Kung magkagayo'y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon, at aking pababayaan sila, at aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, at sila'y sasakmalin, at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila; na anopa't kanilang sasabihin sa araw na yaon, Hindi ba ang mga kasamaang ito ay dumating sa atin dahil sa ang ating Dios ay wala sa gitna natin? 18At ikukubli ko nga ang aking mukha sa araw na yaon dahil sa buong kasamaang kanilang ginawa, sa paraang sila'y pumihit sa ibang mga dios.

_________


Ang pagtakas papunta sa ilang sa hinaharap na panahon...

Pahayag 12
. 5At nanganak nga ang babae ng isang sanggol na lalaki na siyang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal. Hindi nakain ng dragon ang sanggol dahil inagaw agad ang sanggol at dinala sa Dios doon sa kanyang trono. 6Ang babae naman ay tumakas sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Dios para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw.

_________


Ang makakadama ng parusa at kung sino ang makakadama ng kalinga..

Jeremias 17
4Mawawala sa inyo ang lupaing ibinigay ko. Ipapaalipin ko kayo sa mga kaaway nʼyo sa lupaing hindi nʼyo alam, dahil ginalit nʼyo ako na parang nagniningas na apoy na hindi mamamatay magpakailanman.”
5Sinabi pa ng Panginoon, “Isusumpa ko ang taong lumalayo sa akin at nagtitiwala lamang sa tao. 6Matutulad siya sa isang maliit na punongkahoy sa ilang na walang magandang kinabukasan. Maninirahan siya sa tigang at maalat na lupain na walang ibang nakatira. 7Pero mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa lamang sa akin. 8Matutulad siya sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog na ang mga ugat ay umaabot sa tubig. Ang punongkahoy na itoʼy hindi manganganib, dumating man ang tag-init o mahabang tag-araw. Palaging sariwa ang mga dahon nito at walang tigil ang pamumunga.

_________


Muling kaaawaan at kakalingain

Isaiah 54-7
7Iniwan kita sandali, pero dahil sa laki ng awa ko sa iyo ay muli kitang kukupkupin. 8Dahil sa bugso ng galit ko sa iyo, iniwan kita sandali, pero dahil sa aking walang hanggang pag-ibig sa iyo, kaaawaan kita. Ako, ang PANGINOON na inyong Tagapagligtas ang nagsasabi nito.

_________


Ang sumasalamin sa asawang nang-iwan at ang asawang iniwanan

Isaias 54
5Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo,
ang pangalan niya'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel,
kung tawagin siya'y Diyos ng buong sanlibutan.
6Israel, ang katulad mo'y asawang iniwan at ngayo'y nagdurusa,
isang babaing maagang nag-asawa at pagkatapos ay itinakwil.
Ngunit pinababalik ka ngayon ni Yahweh at sa iyo'y sinasabi,
7“Sandaling panahon kitang iniwanan;
ngunit dahil sa tapat kong pag-ibig, muli kitang kakalingain.
8Sa tindi ng aking galit, sandali akong lumayo sa iyo,
ngunit ipadarama ko sa iyo ang aking kahabagan sa pamamagitan ng pag-ibig na wagas.”
Iyan ang sabi ni Yahweh na magliligtas sa iyo.

_________


Ang pagliligtas sa takdang araw pagkatapos ng lubos na pagsisisi

Pahayag 12
7Pagkaraan nito'y nagkaroon ng digmaan sa langit! Pinamunuan ni Miguel ang kanyang mga anghel sa pakikipaglaban sa dragon at sa mga kampon nito. 8Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at pinalayas sila sa langit. 9Itinapon ang dambuhalang dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga kampon.
10At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi,
“Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang lakas bilang Hari! Ipinamalas din ni Cristo ang kanyang kapangyarihan! Sapagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin.