Tanda niyo pa ba ang tula na aming inihanay noong September 2019? Patuloy na nagaganap...
πANG TULANG INIHANAY NOONG SEPT 2019 -
https://web.facebook.com/permalink.php?story_fbid=456399815087983&id=140027220058579.
πNANG ORAS DING IYON....
Magpapatuloy ang DIGMAAN sa apat na sulok ng MUNDO,
Marami ang MAUUHAW AT LALAGANAP ANG TAGGUTOM,
Mas MARAMING LILITAW NA MABABANGIS NA HAYOP,
LILIKHA NG MALALALIM NA SUGAT ang iba pang mga SALOT.
.
DARAMI ANG MGA BUWITRENG KUMAKAIN NG LAMAN,
At LAHAT NG MGA PATAY KANILANG PUPUNTAHAN,
Walang makakapigil, patuloy na matutupad,
Nakiisa sa Kordero, sila lang ang maliligtas.
.
May kasulatang nakarolyo na hawak ng nasa trono,
Lumapit ang Kordero at kinuha niya ito...
Nang ito ay buksan niya, kaginhawaan ay natamo.
Lumakas ang mahihina at sumaya ang mga puso.
.
DIGMAAN, TAGGUTOM, SALOT AT MABABANGIS NA HAYOP.
LAHAT NG ITO SA MUNDO AY SUSUBOK,
MALAPIT NA ANG MATINDING PAGGAPAS, LILINISIN NA ANG BUKIRIN,
LILIPARIN NA ANG MGA IPA NG MALAKAS NA HANGIN.
.
.
πInihahayag lang namin ang nakasulat. Ang lahat ng mga inihula ng Panginoong JesuCristo ay patuloy nang nagaganap sa ating panahon. Ito ay sapagkat nandito na tayo sa dulo, kung saan ay nasa panahon na tayo ng PAG-AANI sa MUNDO o BUKIRIN NG DIOS (Mateo 13:38 ASND). Mas matindi pa ang magaganap sapagkat ang nararanasan natin ay simula pa lamang ng paghihirap tulad ng isang babaing nanganganak. Kung inaakala ng lahat na ito na ang pinakamahirap ay nagkakamali tayo, sapagkat may mas matindi pang magaganap. Ang nagaganap ngayon ay sangkap palang ng panahon sa literal na mundo. Kung naranasan noon sa panahon ni Propeta Elias ang matinding tagtuyot ay mararanasan din ito ng bayan ng Dios sa ating panahon. Kung si Propeta Elias ay hindi pinabayaan ng Ama sa panahon na iyon, ay hindi rin Niya pababayaan ang mga tunay Niyang tagasunod, na tulad ni Propeta Elias na tunay ding tagasunod. Ngunit ang masasama na katulad ng mga masasama sa panahon na iyon ay patuloy na maghahanap ng tubig at damo para sa kanilang mga hayop. Patuloy na gagalugarin ang iba’t ibang lugar upang masolusyunan ang matinding tagtuyot na kinakaharap (1 Hari 17 at 18). Kaya patuloy tayong maging handa. PATULOY NA SURIIN ANG LAHAT NG BAGAY AT MAGBASA SA PAHINANG ITO. Huwag nating gayahin ang iba na patuloy sa pakikidigma sa kapwa nabautismuhan at puro sugat ng damdamin ang naililikha(Jeremias 6:7-8). Huwag nating gayahin ang mga mapagmataas at mayayabang(Malakias 4:1), patuloy na maging mababa ang ating kalooban upang kalugdan tayo ng ating Amang Dios. Patuloy na sikapin ang ganap na pagbabagong buhay, sapagkat sa may mabuting kalooban lamang ihahayag ng Ama ang mga natatagong kayamanang Espirituwal na hindi pa naihayag noon.
.
πProverbs 2:7-11 New Living Translation (NLT)
1 My child,[a] listen to what I say,
and treasure my commands.
2 Tune your ears to wisdom,
and concentrate on understanding.
3 Cry out for insight,
and ask for understanding.
4 SEARCH FOR THEM AS YOU WOULD FOR SILVER;
SEEK THEM LIKE HIDDEN TREASURES.
5 Then YOU WILL UNDERSTAND WHAT IT MEANS TO FEAR THE LORD, AND YOU WILL GAIN KNOWLEDGE OF GOD.
6 For the Lord grants wisdom!
From his mouth come knowledge and understanding.
7 HE GRANTS A TREASURE OF COMMON SENSE TO THE HONEST. HE IS A SHIELD TO THOSE WHO WALK WITH INTEGRITY.
8 HE GUARDS THE PATHS OF THE JUST AND PROTECTS THOSE ARE FAITHFUL TO HIM.
9 THEN YOU WILL UNDERSTAND WHAT IS RIGHT, JUST, AND FAIR, AND YOU WILL FIND THE RIGHT WAY TO GO.
10 For WISDOM WILL ENTER YOUR HEART,
and KNOWLEDGE WILL FILL YOU WITH JOY.
11 WISE CHOICES WILL WATCH OVER YOU.
UNDERSTANDING WILL KEEP YOU SAFE.
.
Daniel 12:9-10 American Standard Version (ASV)
9 And he said, Go thy way, Daniel; for THE WORDS ARE SHUT UP AND SEALED TILL THE TIME OF THE END. 10 Many shall purify themselves, and make themselves white, and be refined; but the wicked shall do wickedly; and none of the wicked shall understand; but [a]they that are WISE SHALL UNDERSTAND.
.
π
Kapag alam mo na ang lahat ng ito ay lilikha ito ng kapayapaan sa iyong puso at magkakaroon ka ng Banal na takot sa Amang Dios. Patuloy tayong makakalakad sa tamang daan patungo sa BAYANG BANAL na wala nang batik o kapintasan man. Ito ang BAGONG JERUSALEM na tulad ng babaing ikinakasal. malinis at puting puti na ang damit na sasalubong sa kordero.
.
.
(Note: Ang inihahayag sa page na ito ay hindi para sa mga kaibayo sa pananampalataya. Subalit kung nais nilang magbasa ay nasa kanila.)