Friday, April 3, 2020

ANG PAANYAYA NG KARUNUNGAN

Image may contain: sky, cloud and outdoor

ANG PAANYAYA NG KARUNUNGAN
.
Laging naghahanda ng makakain ang Karunungan,
Bagong lutong mga pagkain at inuming hinaluan,
At laging inuutusan ang mga alila sa bantayan,
Isinisigaw nila ang ipinag-uutos ng Karunungan.
.
Lahat ay inaanyayahan sa masarap na kainan,
Ang sabi "Halina at kumain sa handaan".
Lahat kayong mga mangmang na kulang pa sa kaalaman,
Ang pagkain dito ay nakakatalas ng isipan.
.
Patuloy na lalakas at hindi panghihinaan,
Lulusog ang kaluluwa sa pagkaing espirituwal,
Kahit ano pang dumating na mga kasakunaan,
Patuloy na makatatayo at hindi mabubuwal.
.
Ang lihim at mga hiwaga ay patuloy na mauunawaan,
Na hindi maipaunawa ng kahit na sinuman,
Ang mga pagkaing inihain ay hindi nakakaumay,
Bago sa panlasa at nagbibigay buhay.
.
Kaya’t patuloy na mag-abang, patuloy na magsuri,
Paliwanagin ang ilaw sa mabubuting gawain,
Ang Salita ng Karunungan ang siyang ikalalakas natin,
Hindi ang pagmamataas at masasamang gawain.
.
.
NANDITO NA TAYO SA HULING PANAHON SA BUKIRIN NG DIYOS, KAYA MAGPAKABUTI UPANG MAKAUNAWA...
.
Daniel 12 New Living Translation
9 But he said, “Go now, Daniel, for what I have said is KEPT SECRET and sealed until the TIME OF THE END. 10 MANY WILL BE PURIFIED, CLEANSED, AND REFINED BY THESE TRIALS. BUT THE WICKED WILL CONTINUE IN THEIR WICKEDNESS, and NONE OF THEM WILL UNDERSTAND. ONLY THOSE WHO ARE WISE WILL KNOW WHAT IT MEANS.
.
👆
Matindi talaga ang pagsubok na darating sa bayan ng Dios. Patuloy lang na magpakabuti at magtiwala sa mga inihahanay namin dito. Kapag dumating na ang panahong tinutukoy namin ay tiyak na hindi kayo panghihinaan ng loob. Ang iba ay babagsak at panghihinaan ng loob, subalit tayong naririto na patuloy na nagtitiwala sa mga Salita ng ating Diyos ay mas tataas pa ang pananampalataya natin. At mauunawaan lalo natin na may tunay ngang Diyos na nag-iingat sa atin, subalit nagpaparusa sa mga masuwayin
.
.
Daniel 12 ASND
3Ang mga taong nakakaunawa ng katotohanan at nagtuturo sa mga tao na mamuhay nang matuwid ay magniningning na parang bituin sa langit magpakailanman. 4Pero Daniel, isara mo muna ang aklat na ito at huwag mo munang sabihin sa mga tao ang mensahe nito hanggang sa dumating ang katapusan. Habang hindi pa ito ipinapahayag, marami ang magsisikap na unawain ang mga nangyayari.”
5Pagkatapos niyang sabihin iyon, may nakita pa akong dalawang taong nakatayo sa magkabilang pampang ng ilog. 6Nagtanong ang isa sa kanila sa taong nakadamit ng telang linen na nakatayo sa mataas na bahagi ng ilog, “Gaano kaya katagal bago matapos ang mga nakakamanghang pangyayaring iyon?”
7Itinaas ng taong nakadamit ng telang linen ang kanyang dalawang kamay at narinig kong sumumpa siya sa Dios na buhay magpakailanman. Sinabi niya, “Matatapos ito sa loob ng tatlong taon at kalahati, kapag natapos na ang paghihirap ng mga mamamayan ng Dios.”
8Hindi ko naintindihan ang kanyang sagot kaya tinanong ko siya, “Ano po ba ang kalalabasan ng mga pangyayaring iyon?” 9Sumagot siya, “Sige na, Daniel, hayaan mo na iyon, dahil ang sagot sa tanong moʼy mananatiling lihim at hindi maaaring sabihin hanggang sa dumating ang katapusan. 10Marami sa mga nakakaunawa ng katotohanan ang lilinisin ang kanilang buhay, at mauunawaan nila ang mga sinasabi ko. Pero ang masasama ay patuloy na gagawa ng masama at hindi makakaunawa ng mga sinasabi ko.
.
.
Kakaunti palang ang mga naihahayag sa inyo sa page na ito. Ang ibang lihim ay iniingatan pa sapagkat hindi pa napapanahon upang ilahad lahat. Maraming nakaabang na mga bulaang nagpapakilala na nais angkinin ang mga katotohanang naririto upang gamitin para sa sarili nilang kapakinabangan. Hindi man hayagang ilahad ang lahat sa ngayon, subalit kung magpapakabuti ka at sisikapin na ang ganap na pagbabagong buhay, at masidhi ang iyong hangarin na malaman ang buong katotohanan ay masusundan mo at mauunawaan ang lahat ng hindi pa lubos na maunawaan ng iba. Ang susi ng kaalaman ay KABUTIHAN, at HIGIT SA LAHAT ay ang PAGTITIWALA SA KATOTOHANANG MULA SA BANAL NA KASULATAN. Kapag itinakwil mo dahil sa pag-uutos lang ng tao ay para mo naring itinakwil ang Dios. Tandaan natin lagi, HINDI TAYO MAILILIGTAS NG SINUMANG TAO. Ang Panginoong Dios lamang ang makagagawa noon. Kaya sa Kanya lamang tayo magtiwala. Sa mga Salita Niyang nagbibigay buhay, sa pamamagitan ng mga turo ng Panginoong JesuCristo na siyang Kapangyarihan at Karunungan ng Dios.
.
👇
1 Corinto 1:18 (ASND)
Si Cristo ang Kapangyarihan at Karunungan ng Dios.
.