ANG MATALINO AT MANGMANG
.
Dalawang uri ng tao ang inihayag sa kasulatan,
Ang isa ay matalino at ang isa naman ay mangmang,
Sa huling panahon ay ating mauunawaan,
Sino ba ang tunay na panig sa katotohanan.
.
Ang mangmang ay ipipilit ang sariling kagustuhan,
Ang kanyang gawain ay puro kasamaan,
Gawa niya’y labag na sa utos ng Amang Banal,
Isasawalang halaga ang tunay na karunungan.
.
Patuloy niyang gagawin ang lahat ng maibigan,
Ang gawang palagian ay mga hilig ng laman,
Panay pakikipag-away at pakikipagmataasan,
At ang hilig pa niya ay puro kalayawan.
.
Patuloy na magpapakasama ang mga masasama,
Sa huling panahon, ito ang ipinauunawa,
Inuusig nila ang nagdadala ng katotohanan,
Sari-saring kasinungalingan ang sa kanila'y ipinaparatang.
.
Laging bukambibig ay kasinungalingan,
Ang sinasamba nila’y malaking tala sa kalangitan,
Niyuyukuran nila ay ang araw at ang buwan,
Araw-araw ay sinasamba ang mga dios-diosan.
.
Ang mga dios-diosan nila'y mga walang nalalaman,
Tulad ng babasaging banga na wala namang laman,
Magkakabasag-basag sa nakatakdang araw na laan,
Didikdiking durog ng tungkod na bakal.
.
Ang matalino naman ay patuloy sa paggawa,
Talentong nasa kanya’y hindi ibabaon sa lupa,
Patuloy na hahanapin ang lahat ng katotohanan,
At ibabahagi niya sa mga nais na makaunawa.
.
Patuloy na magpapakabuti at ganap na magbabagong buhay,
Mataas na pananampalataya ang nais niyang mataglay,
Papuring handog sa Dios ang laging iaalay,
Laging ang nais niya ay payapang buhay.
.
Laging nag-iipon ng langis sa kanyang ilawan,
Laging hawak niya at hindi binibitiwan,
Upang laging magliwanag ang ilaw sa kadiliman,
Laging handa siya sa mga kaganapan.
.
Ang parangal niya'y sa Dios at hindi sa tao,
Isinasabuhay ang turo ng Panginoong JesuCristo,
Sinisikap ang ganap na pagbabagong buhay,
At laging ang Salita ng Dios ang binubulay bulay.
.
May takdang araw sa matinding paggapas,
Lahat ng bagay sa mundo ay magwawakas,
Lahat ng kayamanan at katanyagan na tinatamasa,
sa isang iglap lang, lahat ay mawawala.
.
Kaya mapalad ang patuloy na nagbabasa,
At laging nagtitiwala sa lahat ng propesiya,
Ibibigay ng Ama ang karunungan sa kanya,
Sa lahat ng magaganap ay magiging handa siya.

Daniel 12 RTPV05
10Marami ang dadalisayin at mapapatunayang may malinis na kalooban. Ngunit magpapakasama pa ang masasama, at wala isa man sa kanila ang makakaunawa sa mga bagay na mauunawaan ng marurunong.
.
Pahayag 22 RTPV05
10At sinabi rin niya sa akin, “Huwag mong ililihim ang mga propesiya na nasa aklat na ito, sapagkat malapit nang maganap ang mga ito. 11Magpatuloy sa pagpapakasama ang masasama, magpatuloy sa pagpapakarumi ang marurumi, ngunit ang mabubuti ay magpatuloy sa pagpapakabuti at ang banal sa pagpapakabanal.”
.
Mateo 13:24-2, 30 RTPV05
24Nagsalaysay muli si Jesus sa kanila ng isa pang talinhaga.
Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. 25Isang gabi, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway, naghasik ng mapanirang damo sa triguhan at saka umalis. 26Nang tumubo at magbunga ang trigo, lumitaw din ang mapanirang damo. 30‘Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig.’”
.
Isaias 41:21-24, 29 RTPV05
21Ganito ang sabi ni Yahweh, ang Hari ni Jacob:
“Kayo ay lumapit, mga diyus-diyosan, ang panig ninyo ay ipaglaban. 22Lumapit kayo at inyong hulaan
ang mga mangyayari sa kinabukasan.
Ipaliwanag ninyo sa harap ng hukuman,
upang pagtuunan ng aming isipan,
ang mga pangyayari sa kahapong nagdaan.
23Maniniwala kaming kayo nga ay diyos
kapag ang hinaharap inyong mahulaan.
Kayo'y magpakita ng anumang gawang mabuti, o kahit masama, nang kami'y masindak o kaya'y manghina.
24Kayo at ang inyong gawa'y walang kabuluhan;
ang sumasamba sa inyo ay kasuklam-suklam.
29Lahat ng diyus-diyosan ay walang kabuluhan.
Wala silang magagawang anuman
dahil sila'y mahihina at walang kapangyarihan.”