Friday, April 3, 2020

ANG PUNONGKAHOY NA TUMAAS NANG TUMAAS

Image may contain: one or more people, people standing, tree, wedding, outdoor and nature
https://web.facebook.com/permalink.php?story_fbid=572334573494506&id=140027220058579

ANG PUNONGKAHOY NA TUMAAS NANG TUMAAS
.
Gaano ka kayaman? Gaano kalawak ang iyong kapangyarihan?
Tulad ka lang ng isang punongkahoy na tumaas nang tumaas
Pinamumugaran ng iba't ibang ibon at tinitingala ng lahat.
Subalit sa takdang araw ay may pagputol na magaganap.
.
Tuwang-tuwa ka kapag ika'y tinitingala ng mga nagdaraan,
Ang kasiyahan mo'y tila walang katapusan,
Ngunit isang araw babagsak ang napakalakas ng ulan,
Ang napakalakas na hangin ay hindi mapipigilan.
.
Gaano man kataas, ikaw din ay babagsak,
Sa sobrang taas ay matindi din ang lagapak,
Sobra ang tayog mo ang akala'y di matitinag,
Ngunit ang nakatakda tiyak na matutupad.
.
Tulad ka lang ng punongkahoy na hindi na nakapamunga,
Hinanapan ka ng bunga at sa iyo'y walang makita,
Kaya't may itinakda Siyang panahon at baka magbago pa,
Umaasang isang araw ay magbubunga ng sagana.
.
Nakahanda na ang palakol puputulin ang matayog na punongkahoy,
Kapag naganap na ito tiyak na maraming mananaghoy,
Ang Simula mo'y ikinagalak subalit sa pagpapatuloy,
Tumaas lang... nasaan na.. ang bunga ng punongkahoy?
.
.

ANG PUNONGKAHOY SA UBASAN NA PUPUTULIN
.
Lucas 13 ASND
6Pagkatapos, ikinuwento ni Jesus ang talinghaga na ito: “May isang taong may tanim na puno ng igos sa ubasan niya. PINUNTAHAN NIYA ITO UPANG TINGNAN KUNG MAY BUNGA, PERO WALA SIYANG NAKITA. 7Kaya sinabi niya sa tagapag-alaga ng kanyang ubasan, ‘Tatlong taon na akong PABALIK-BALIK DITO PARA TINGNAN KUNG MAY BUNGA na ang igos na ito, pero WALA PA AKONG NAKIKITA KAHIT ISA. PUTULIN MO NA LANG ANG PUNONG IYAN. Nasasayang lang ang lupang kinatatayuan niyan!’ 8Pero sumagot ang tagapag-alaga, ‘HAYAAN N'YO NALANG PO MUNA ang puno sa taon na ito. HUHUKAYAN KO PO ANG PALIBOT NITO AT LALAGYAN NG PATABA. 9BAKA SAKALING MAGBUNGA. Ngunit KUNG HINDI PARIN, PUTULIN NA NATIN.’ ”
.
Isaias 2:17 ASND
IBABAGSAK NGA NIYA ANG MAYAYABANG AT MGA MAPAGMATAAS. Tanging ang PANGINOON ang maitataas sa araw na iyon.
.

.
ANG MGA BUNGA
.
Galacia 5:13-17, 22-23, 25-26 ASND
13Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit HUWAG NINYONG GAMITIN ANG KALAYAAN N'YO PARA PAGBIGYAN ANG MGA PAGNANASA NG LAMAN. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan. 14Sapagkat ang buod ng buong Kautusan ay nasa isang utos: “MAHALIN MO ANG IYONG KAPWA GAYA NG IYONG SARILI.” 15Ngunit KUNG PATULOY KAYONG MAG-AAWAY-AWAY NA PARANG MGA HAYOP, BAKA TULUYAN NA NINYONG MASIRA ANG BUHAY NG ISA'T ISA. 16Kaya MAMUHAY KAYO NANG AYON SA NAIS NG BANAL NA ESPIRITU para hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman. 17Sapagkat ANG NINANASA NG LAMAN AY LABAN SA NAIS NG ESPIRITU, at ANG NAIS NG ESPIRITU AY LABAN SA NINANASA NG LAMAN. MAGKALABAN ANG DALAWANG ITO, KAYA HINDI NINYO MAGAWA ANG GUSTO NINYONG GAWIN.
22Ngunit ito ang BUNGAng makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: PAG-IBIG, KAGALAKAN, KAPAYAPAAN, PAGTITIIS, KABUTIHAN, KAGANDAHANG-LOOB, KATAPATAN, 23 KAHINAHUNAN, AT PAGPIPIGIL SA SARILI. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.
25At dahil nga namumuhay na tayo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, magpatuloy tayo sa patnubay nito. 26HUWAG TAYONG MAGING MAPAGMATAAS, HUWAG NATING GALITIN ANG ATING KAPWA, AT IWASAN ANG INGGITAN.
.
WALA ANG BUNGA NG ESPIRITU SA MGA GUMAGAWA NG NASA NG LAMAN
👇
Galacia 5:19-21 ASND
19Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila:
sekswal na IMORALIDAD
KALASWAAN
KAHALAYAN
PAGSAMBA SA MGA DIOS-DIOSAN
PANGKUKULAM
PAGKAPOOT
PAG-AAWAY-AWAY
PAGKASAKIM
PAGKAGALIT
PAGKAKAWATAK-WATAK
PAGKAKAHATI-HATI
PAGKAINGGIT
PAGLALASING
PAGKAHILIG SA KALAYAWAN
at IBA PANG KASAMAAN. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios.