Friday, April 3, 2020

SA TAKDANG ARAW SA BAGONG DAIGDIG..

Image may contain: 1 person, sky and outdoor
SA TAKDANG ARAW SA BAGONG DAIGDIG...
.
Ang araw at ang buwan pati na mga bituin,
Nagiging tanglaw ng mga tao sa lupain,
Ngunit pagdating ng araw mawawala ang ningning,
Pupula ang buwan at ang araw ay magdidilim.
.
Ang mga bituin ay maglalaglagan,
Mayayanig ang lahat ng nasa kalawakan,
Maraming mamamatay sa matatamaan,
Mangangalat ang mga tao sa lansangan.
.
Pagdating ng araw ay di na kakailanganin,
Ang sinag ng araw, buwan at mga bituin,
Ang kaluwalhatian ng Dios ang magniningning,
Magbibigay liwanag sa gusaling nagdilim.
.
Ang Kordero ang siyang magiging ilawan,
Magliliwanag sa buong sambahayan,
Sa liwanag nito ay doon lang lalakad,
At hindi na mapapaso sa sikat ng araw.
.
Sa buong maghapon bukas lagi ang pintuan,
Sapagkat di na makakapasok ang mga magnanakaw,
Sa Banal na Lungsod di na sasapit ang gabi,
Di na makakapasok ang anomang marumi.