
Bible Believers - Iglesia Ni Cristo
.
👇
ANG PAGLAKAD SA DALAWANG KAISIPAN MULA PA NOONG UNA
.
May simula at may wakas,
May Una at may Huli
May Pasimula at may Katapusan
Kung may pagtatanim ay may pag-aani.
.
May kanya-kanyang panahong laan,
Hindi mababago magpakailanman,
Paulit-ulit lang ang mga pangyayari,
Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin.
.
Nasa panahon na ng pagpili,
Sa masamang daan o sa mabuti?
Pipiliin mo bang maging bulag?
O sa mabuting daan ay lalakad?
.
Siniyasat mo ba ang lahat ng ilaw?
Alin ang pinakamaliwanag?
Sinisiyasat mo ba ang iyong lakad?
o baka sa kadiliman ang iyong tinatahak.
.
Tunay bang sa Dios ang iyong pagsunod?
O baka naman sa Utos na Niya ay lumimot?
Hindi na Siya ang tunay na nasusunod,
Pagiging makamundo na ang sa iyo'y naiuudyok.
.
Maari bang pagsamahin ang kabanalan at ang karumihan?
Maari bang pagsamahin ang liwanag at ang kadiliman?
Magkasundo ba si satanas at ang Amang Banal?
Nakikisali ka na ba sa gawa ng mga makalaman?
.
Nagkalat ang nakararami sa himpapawid,
Dumami ang masasamang damo sa Kanyang Bukirin,
Kung ano ang nasa puso ay inilalabas ng bibig.
Panay pakikidigma ngunit inaakala ay kabanalan parin.
.
Nakikipagpalaluan, nakikipagbangayan...
Iyan ba ay paglakad pa sa Tamang Daan?
Ang matitinding murahan at mga salitang kahalayan,
Iyan ba ay utos parin ng ating Amang Banal?
.
Nakikisama ka sa walang taros na kasiyahan,
Ang inaakala ay gawa parin ukol sa kabanalan,
Iyan ba ang tunay na naglilingkod sa Amang Banal?
Ano ang pagkakaiba mo sa tinatawag mong tagasanlibutan?
.
Ang mga nasa ng laman ba ay may kaugnayan sa Panginoon?
Ang Kabanalan ba ay may kaugnayan kay baal peor?
Nasa panahon na tayo ng pagpili...
Sa dalawang kaisIpan ikaw ba ay mananatili?
.
.
NAUULIT LANG ANG PANGYAYARI...
.
1 Hari 18 TLAB
21At si Elias ay lumapit sa buong bayan, at nagsabi,
HANGGANG KAYLAN KAYO MANGAGALINLANGAN SA DALAWANG ISIPAN? KUNG ANG PANGINOON AY DIOS, SUMUNOD KAYO SA KANIYA: nguni't kung si Baal, sumunod nga kayo sa kaniya. At ang bayan ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita
.
1 Kings 18:21 Contemporary English Version
Elijah stood in front of them and said, "HOW MUCH LONGER WILL YOU TRY TO HAVE THINGS BOTH WAYS? If the LORD is God, worship him! But if Baal is God, worship him!" The people did not say a word.
.
.
ANG KALAYAWAN AT ANG IDOLATRIYA NA IPINAPATUNGKOL PARA SA KARANGALAN DAW NG PANGINOON. Tinanggap ba ito ng Panginoong Dios para sa Kanya daw na karangalan?
.
👇
Exodus 32:5-7, 9-10 ASND
5Pagkakita ni Aaron na SUMAYA ANG MGA TAO, nagpagawa siya ng altar sa harap ng baka at ipinaalam sa kanila, “BUKAS, MAGDARAOS TAYO NG PISTA PARA SA KARANGALAN NG PANGINOON.” 6Kaya kinaumagahan, maagang bumangon ang mga tao at nag-alay ng mga handog na sinusunog at handog para sa mabuting relasyon. KUMAIN SILA AT UMINOM AT NILUBOS ANG PAGSASAYA sa pagsamba sa dios-diosan. 7SINABI NG PANGINOON KAY MOISES, "BUMABA KA NA DAHIL NAGPAPAKASAMA ANG MGA KABABAYAN MO NA INILABAS MO SA EGIPTO.
9At sinabi pa ng Panginoon kay Moises, “NAKITA KO KUNG GAANO KATIGAS ANG ULO NG MGA TAONG ITO. 10Kaya pabayaan mong lipulin ko sila nang matindi kong galit. Ikaw na lang at ang mga angkan mo ang gagawin kong dakilang bansa.”
.
.
ANG PAULIT-ULIT NA PANGYAYARI
.
In any case, this incident at BAAL PEOR STANDS OUT AS THE FIRST OF MANY TIMES THAT ISRAEL FELL INTO IMMORALITY AND IDOLATRY, AND IT ALSO SERVES AS A WARNING TO CHRISTIANS. The Corinthians would have been particularly susceptible to this kind of temptation, as the city of Corinth was filled with idolatry and sexual immorality. The question of eating at idol temples was debated within the congregation. Although he does not mention Baal Peor by name, Paul refers to that incident in 1 Corinthians 10:8: “We should not commit sexual immorality, as some of them did—and in ONE DAY TWENTY-THREE THOUSAND OF THEM DIED.” In verses 11–14, Paul goes on to say, “THESE THINGS HAPPENED TO THEM AS EXAMPLES AND WERE WRITTEN DOWN AS WARNINGS FOR US, ON WHOM THE CULMINATION OF THE AGES HAS COME. So, IF YOU THINK YOU ARE STANDING FIRM, BE CAREFUL THAT YOU DON'T FALL! No temptation has overtaken you except what is common to mankind. And God is faithful; he will not let you be tempted beyond what you can bear. But when you are tempted, he will also provide a way out so that you can endure it. Therefore, my dear friends, flee from idolatry.”
MANY THINGS HAVE CHANGED SINCE ISRAEL'S SIN AT BAAL PEOR, BUT THE BASIC TEMPTATIONS HAVE NOT. Sexual temptation is ever present in modern societies, and the IDOLS OF MONEY, PLEASURE, FAME, AND “THE GOOD LIFE” ALSO VIE TO TAKE THE PLACE OF THE ONE TRUE GOD IN THE HEARTS OF MANY PEOPLE. Even today, Christians must guard against the sin of Baal Peor.
https://www.gotquestions.org/Baal-Peor.html
.
👆
ANG HULI, ANG WAKAS, ANG KATAPUSAN...
.
1 Corinto 10 ASND
11ANG MGA BAGAY NA ITOʼy nangyari BILANG HALIMBAWA SA ATIN, at ISINULAT UPANG MAGSILBING BABALA SA ATING MGA NABUBUHAY SA PANAHONG NALALAPIT NA ANG KATAPUSAN NG LAHAT.
.
.
ANG PAALALA SA ATING LAHAT....
.
Mateo 6 RTPV05
24“WALANG ALIPING MAKAKAPAGLINGKOD NANG SABAY SA DALAWANG PANGINOON, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan.
.
Mga Taga-Roma 8:9 RTPV05
Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. Sa katunayan, nananatili na sa inyo ang Espiritu ng Diyos. KUNG WALA SA ISANG TAO ANG ESPIRITU NI CRISTO, HINDI KAY CRISTO ANG TAONG
IYON.
.
.
HINDI LAHAT NG NAKATANIM SA BUKIRIN AY TUNAY NA TRIGONG ITINANIM NG MAY-ARI NG BUKIRIN...
👇
2 Timoteo 2 RTPV05
19Ngunit matibay ang pundasyong itinatag ng Diyos, at doo'y
nakatatak: “NAKIKILALA NG PANGINOON KUNG SINO-SINO ANG TUNAY NA KANYA,” at, “Ang bawat nagsasabing siya'y sa Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan.”
.
.
Aantayin muna ba natin ang pagpapababa ng APOY ng Panginoon ayon sa nakatakda bago natin Siya makilala ng lubusan? na SIYA LAMANG ANG NAG-IISANG DIOS na dapat nating pinararangalan, pinaglalaanan ng ating puso at buong kaisipan? Aantayin muna ba natin ang matinding kawasakan bilang kaparusahan sa lahat ng kapalaluan bago tayo lumakad sa Kanyang Tamang Daan?
.
👇
Zepanias 1 RTPV05
4“PAPARUSAHAN KO ANG LAHAT NG MAMAMAYAN ng Juda at ng Jerusalem. Wawasakin ko rin sa dakong ito ang mga nalalabing bakas ng pagsamba kay Baal at lubusan nang malilimutan ang mga paring naglilingkod sa mga diyus-diyosan. 5Kabilang dito ang mga umaakyat sa kanilang bubungan upang sumamba sa araw, sa buwan at sa mga bituin. ANG MGA TAONG KUNWA'Y NANUNUMPA SA PANGALAN NI YAHWEH NGUNIT SA PANGALAN NAMAN PALA NI MILCOM;
.
👆
ALING MAMAMAYAN SA ATING PANAHON ANG TINUTUKOY DITO NG PANGINOONG DIYOS?
.
.
ANG PAGPAPAKILALA SA PANGINOONG DIYOS SA HULING PANAHON...
.
👇
1 Hari 18 ASND
37PANGINOON, DINGGIN N'YO PO AKO, PARA MALAMAN NG MGA TAO NA KAYO ANG PANGINOON, ANG DIOS, AT NAIS N'YO SILANG MAGBALIK-LOOB SA INYO.” 38DUMATING AGAD ANG APOY NA GALING SA PANGINOON, AT SINUNOG NITO ANG HANDOG, ANG GATONG, ANG MGA BATO AT ANG LUPA, at natuyo ang kanal. 39NANG MAKITA ITO NG LAHAT NG TAO, NAGPATIRAPA SILA AT SINABI, "ANG PANGINOON ANG SIYANG DIOS! ANG PANGINOON ANG SIYANG DIOS!”
.
Malakias 4 ASND
1Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, “TIYAK NA DARATING ANG ARAW NG AKING PAGPAPARUSA. MAGIGING TULAD ITO NG NAGLILIYAB NA PUGON. PARURUSAHAN KONG GAYA NG PAGSUNOG SA DAYAMI ANG LAHAT NG MAYAYABANG AT ANG GUMAGAWA NG MASAMA. MAGIGING TULAD SILA NG SINUNOG NA KAHOY NA WALANG NATIRANG SANGA O UGAT. 2Pero kayong may paggalang sa akin ay ililigtas ko gaya ng pagsikat ng araw na ang sinag nito ay nagbibigay ng kabutihan. At lulundag kayo sa tuwa, na parang mga guyang pinakawalan sa kulungan. 3PAGDATING NG ARAW NA ISAKATUPARAN KO NA ANG MGA BAGAY NA ITO, lilipulin ninyo ang masasama na parang alikabok na tinatapakan.
.
.
Suriin ang lahat ng ating nagiging gawain. Ang lahat ng ito ba ay naaayon parin sa ipinag-uutos ng ating Panginoong Dios?
.
👇
Lucas 11:35 (RTPV05)
Kaya't MAG-INGAT KA ,BAKA ANG LIWANAG NA INAAKALA MONG NASA IYO AY KADILIMAN PALA.