Sunday, April 5, 2020

ANG KAHIRAPAN AT PAGPATAY

Image may contain: night

ANG KAHIRAPAN AT PAGPATAY
.
Ihanda ang puso, ihanda ang isipan,
sapagkat magaganap ang matinding kahirapan,
Ang kahirapang ito'y di pa nangyari kahit na kailan,
mula nang likhain itong sanlibutan.
.
Magaganap ang maraming pagpatay,
Di alintana kahirapan nilang taglay,
Pagpapahirap tuloy-tuloy, walang humpay,
Mawawala ang tabing sa isipang nananamlay.
.
Nagising ang diwa, naghimagsik ang isipan,
Litong-lito ang mga kaluluwang ligaw sa pastulan,
Di na alam kung saan ang paroroonan,
hinaharap pa nila ang matinding kahirapan.
.
Ang pag-asang kaligtasan ipinagkait sa isipan,
Manunuyo ang lalamunan, patuloy na mauuhaw,
Dadaing sila sa sobrang kahirapan,
Mauunawaan na ang paghahari ng kapangyarihan.
.
Sa pagdilim ng araw, buwan at mga bituin,
Ang unang pagkabuhay ay magaganap din,
Lahat ng sumasamba sa araw buwan at mga bituin,
mamamatay sila matinding babatuhin.
.
.
1 Corinthians 3:2 New International Version
I gave you milk, not solid food, for you were not yet ready for it. Indeed, you are still not ready.