Friday, April 3, 2020

MGA TANDA SA PANAHON NG PAG-AANI

Image may contain: sky, outdoor, nature and text

MGA TANDA SA PANAHON NG PAG-AANI
.
Nais mo bang malaman ang TANDA NG PANAHON?
Kung kailan ay panahon na ng pag-iipon,
Panahon na ng paggapas sa mga pananim,
Panahon na ng pagbunot sa mga hindi itinanim.
.
Nakikita niyo na ba sa BUKIRIN ang mga nagtataasang DAMO?
Ibang-iba sila sa mga tunay na TRIGO.
Ang TRIGO mapapansin mo... ito ay yukong-yuko,
Samantalang ang masamang damo ay mataas sa pagkakatayo.
.
Kapag nakita mo na ang lahat ng ito,
May pag-aalinlangan paba sa iyong puso?
Ipinauunawa lang na malapit nang maganap,
Matinding paggapas h‌indi na magluluwat...
.
Iipunin, bibigkisin at ilalagay sa kamalig ang Trigo,
Iingatan sila sa ligtas na dako,
Bibigkisin din at iipunin ang masamang damo,
Ngunit tiyak na susunugin at magiging abo.
.
Kung dumating sa Bukirin ang panahon ng pagtatanim,
Tiyak na darating ang panahon ng pag-aani,
May iba't-ibang panahon sa bawat gawain,
Kung may pagtatanim ay tiyak na may pag-aani.
.
.
.
ANG LAHAT NG BAGAY AY MAY KATAPUSAN. KUNG MAY PAGTATANIM AY MAY PAG-AANI DIN SA KATAPUSAN NG PANAHON.
.
Salmo 119:96 ASND
Nakita kong ANG LAHAT NG BAGAY AY MAY KATAPUSAN, ngunit ang inyong mga utos ay mananatili magpakailanman.
.
Mangangaral 3 RTPV05
2Ang PANAHON NG PAGSILANG AT PANAHON NG PAGKAMATAY;
ang PANAHON NG PAGTATANIM at PANAHON NG PAGBUNOT NG TANIM.
.
Mangangaral 3 ASND
1MAY ORAS NA NAKATAKDA PARA SA LAHAT NG GAWAIN DITO SA MUNDO: 2May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan; MAY ORAS NG PAGTATANIM AT MAY ORAS NG PAG-AANI.
.
.
ANG HULA NG PANGINOON PATUNGKOL SA PANAHON NG PAG-AANI
.
Mateo 13:24-26, 37-40 (ASND)
24Muling nagbigay ng talinghaga si Jesus sa kanila, “Ang paghahari ng Dios ay maitutulad sa kwentong ito: May isang taong naghasik ng mabuting binhi sa KANYANG BUKID. 25Pero kinagabihan, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo at umalis. 26Nang tumubo ang mga tanim at namunga, LUMITAW DIN ANG MASASAMANG DAMO. 26Nang tumubo ang mga tanim at namunga, LUMITAW DIN ANG MASASAMANG DAMO. 27Kaya pumunta sa kanya ang kanyang mga alipin at sinabi, ‘Hindi po ba mabubuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Paano po ba ito nagkaroon ng masasamang damo?’ 28Sinabi ng may-ari, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘GUSTO PO BA NINYON BUNUTIN NAMIN ANG MASASAMANG DAMO?’ 29Sumagot siya, ‘HUWAG, BAKA MABUNOT DIN NINYO PATI TRIGO. 30HAYAAN MUNA NINYONG LUMAGONG PAREHO HANGGAN SA ANIHAN. Kapag dumating na ang panahong iyon, sasabihin ko sa mga tagapag-ani na unahin muna nilang bunutin ang masasamang damo, at bigkisin para sunugin. Pagkatapos, ipapaani ko sa kanila ang trigo at ipapaimbak sa aking bodega.’ ”
37Sumagot si Jesus, “Ang naghasik ng mabuting binhi ay walang iba kundi ako na Anak ng Tao. 38ANG BUKID AY ANG MUNDO, at ang mabuting binhi ay ang mga kabilang sa kaharian ng Dios. Ang masasamang damo naman ay ang mga sakop ni Satanas. 39Si Satanas ang kaaway na nagtanim sa kanila. ANG ANIHAN AY ANG KATAPUSAN NG MUNDO, at ang tagapag-ani ay ang mga anghel. 40KUNG PAANONG BINUBUNOT AT SINUSUNOG ANG MASASAMANG DAMO, GANOON DIN ANG MANGYAYARI SA KATAPUSAN NG MUNDO.
.
Marcos 4 RTPV05
29KAPAG HINOG NA ANG MGA BUTIL, AGAD NIYA ITONG IPAGAGAPAS SAPAGKAT PANAHON NA PARA ITO'Y ANIHIN.
.
.
ANG MASASAMANG DAMO SA BUKIRIN
Isaias 5 ASND
24Kaya MATUTULAD KAYO SA DAYAMI O TUYONG DAMO NA MASUSUNOG NG APOY. Matutulad din kayo sa tanim na ang mga ugat ay nabulok o sa bulaklak na tinangay ng hangin na parang alikabok, DAHIL ITINAKWIL NINYO ANG KAUTUSAN NG PANGINOONG MAKAPANGYARIHAN, ang Banal na Dios ng Israel.
.
.
Malachi 4:1 American King James Version
For, behold, the day comes, that shall burn as an oven; and ALL THE PROUD, yes, and all that do wickedly, shall be stubble: and the day that comes shall burn them up, said the LORD of hosts, that it shall leave them neither root nor branch.
.
.
ANG APOY NG KAHIHIYAN
.
Isaias 66 RTPV05
24“Sa kanilang pag-alis, makikita nila ang mga bangkay ng MGA NAGHIMAGSIK LABAN SA AKIN. ANG UOD NA KAKAIN SA KANILA’Y HINDI MAMAMATAY, GAYON DIN ANG APOY NA SUSUNOG SA KANILA. ANG KALAGAYAN NILA’Y MAGIGING KAHIYA-HIYA SA BUONG SANGKATAUHAN.”
.
.
Kung naniniwala tayo na ang kinabibilangan natin ay ang tunay na BUKIRIN NG DIYOS, AY PANIWALAAN DIN NATIN NA KUNG MAY PAGTATANIM AY MAYROON DING PAG-AANI. Bakit natin ituturo na wala ng ibang gawaing nakalaan sa BUKIRIN? Ang gawain ba sa Bukirin ay puro pagtatanim? Ano ang turo ng Panginoon?
Ang magturo ng labag o taliwas sa itinuro ng Panginoon ay matatawag nating anti-cristo o laban sa Salita ng Panginoon.