Friday, April 3, 2020

NASA SALITA NG KATOTOHANAN ANG KALIGTASAN

No photo description available.
NASA SALITA NG KATOTOHANAN ANG KALIGTASAN
.
Ang tao ay hindi maililigtas ng kapwa niya tao.
Ang Katotohanan lamang, ang makapagliligtas sa tao.
Ang tao maaaring magsinungaling at magkunwari,
subalit ang KATOTOHANANG MULA SA DIOS AY HINDI MAITATANGGI.
.
Kaya nasa panahon na tayo ng pagpili,
Makikinig ka ba sa taong masuwayin?
SA SALITA NG DIOS AY SIGURADO KA,
Siguradong sa Tamang Daan ay magagabayan ka.
.
Nasa DULO na tayo ng Panahon,
Nasa panahon na tayo ng Pag-iipon,
Binibigkisan na ang mga TUNAY na Trigo,
Susunugin naman ang masasamang damo.
.
Pansinin ang gawa ng masasamang damo,
Wala sa kanila ang Bunga ng Banal na Espiritu?
PAGMAMATAAS, PAGKAGALIT AT PAGKAKAMPI-KAMPI,
Ganyan nga ba ang mga tunay na pinili?
.
Ang mga tunay na tupa ay maaamo,
Naghahanap lamang ng sariwang damo,
Nais nilang uminom ng malinis na tubig,
Kapahingahan sa pastulan ang kanilang ninanais.
.
Kaya gamitin ang isip at mata sa pagsusuri,
Sa bumubulong-bulong huwag basta makikinig,
Nandiyan ang Salita ng Dios upang tayo ay gabayan,
Hanggang sa marating natin ang inaasam na Bayang Banal.
.
.

Basahin ninyo, mga kapatid, ang inihahayag ng Biblia para sa HULING PANAHON sa PANAHON NG KAHIRAPAN. Patungkol sa ipapakitang ugali ng tao na nagkukunwaring maka-Diyos. Kaya ang turo sa atin ng apostol ay ang BANAL NA KASULATAN ANG GAWIN NATING SALIGAN PARA SA IKALILIGTAS.
.
👇
2 Timoteo 3:1-5, 10-17 RTPV05
Ang mga Huling Araw
1DAPAT MONG MALAMAN NA SA MGA HULING ARAW ay MAGKAKAROON NG KAHIRAPAN. 2Ang mga tao'y magiging makasarili,
sakim sa salapi,
palalo,
mapagmataas,
mapagsamantala,
suwail sa magulang,
walang utang na loob
at lapastangan sa Diyos.
3Sila'y magiging malupit,
walang habag,
mapanirang-puri,
marahas,
mapusok at
namumuhi sa mabuti.
4Sila'y magiging mga taksil,
pabaya,
mayabang,
mahilig sa kalayawan
at walang pag-ibig sa Diyos.
5SILA'Y MAGKUKUNWARING MAKA-DIYOS, NGUNIT HINDI NAMAN NAKIKITA ANG KAPANGYARIHAN NITO SA KANILANG PAMUMUHAY. IWASAN MO ANG GANYANG URI NG MGA TAO.
.
Mga Huling Tagubilin
10Ngunit sinunod mo ang aking itinuro sa iyo, ang aking ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at katapatan. 11Nasaksihan mo ang mga pag-uusig at paghihirap na dinanas ko sa Antioquia, Iconio at Listra. Napakahirap ng dinanas ko! Ngunit sa lahat ng iyon ay iniligtas ako ng Panginoon. 12Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig, 13samantalang ANG MASASAMA AY LALO NAMANG MAGPAPAKASAMA, AT ANG MANLILINLANG AY PATULOY NA MANLILINLANG AT SILA MAN AY MALILINLANG DIN.
15Mula pa sa pagkabata ay alam mong ANG BANAL NA KASULATAN AY NAGTUTURO NG DAAN NG KALIGTASAN sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 16ANG LAHAT NG KASULATAN AY KINASIHAN NG DIYOS, AT NAGAGAMIT SA PAGTUTURO NG KATOTOHANAN, sa PAGTATAMA SA MALING KATURUAN,SA PAGTUTUWID SA LIKONG GAWAIN at SA PAGSASANAY PARA SA MATUWID NA PAMUMUHAY, 17upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.
.
.
Kaya huwag tayong basta naniniwala sa mga taong naninira sa pm laban sa page na ito. Upang hindi kayo madamay sa sumpa ng pagkapahamak.
Muli naming ipinauunawa sa inyo na hindi tiwalag ang nagpapahayag sa inyo sa pahinang ito. Wala kaming kaugnayan sa sinumang bulaang propeta tulad sa ipinipm ng ibang maninira. Ang pahinang ito ay para lamang sa PAGPAPAKILALA SA PANGINOONG DIOS AT SA MGA SALITA NG PANGINOONG JESUCRISTO. Hindi namin ginagawa ito dahil sa kapakinabangan. Ginagawa namin ito sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan.